Delivery rider nagsauli ng P130K sa nagkamaling customer; tinawag na 'angel' ni Maritoni  | Bandera

Delivery rider nagsauli ng P130K sa nagkamaling customer; tinawag na ‘angel’ ni Maritoni 

Ervin Santiago - May 23, 2020 - 07:59 AM

IBINANDERA ng actress-model na si Maritoni Fernandez ang kabaitan at katapatan ng isang delivery rider na nagbalik ng P130,000 cash.

Itinuturing din ni Maritoni na bagong bayani ang mga taong tulad ni Jerome Galang na isang honest rider na hindi nagpasilaw sa pera.

Ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account ang litrato ng honest rider na mula sa delivery service company na Lalamove.

Ayon kay Maritoni, may kapitbahay siya na nagpa-deliver ng mga dokumento pero maling envelope raw ang naibigay nito sa delivery rider, at ito nga yung may laman na P130,000 cash.

Lahad pa ng aktres, binabaybay na ng rider ang kahabaan ng Cubao sa Quezon City nang mapansin niyang pera ang laman ng ipinadalang envelope sa kanya at hindi dokumento tulad ng nakalagay sa booking ng customer.

Caption ni Maritoni sa kanyang IG post, “Shout out to our neighbors Lalamove driver who was so honest today.

“She was a little dazed when she gave the wrong envelope to him this morning. 130k in cash to be exact,” aniya.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Jerome Gulang was already in Cubao when he realized she had given him the money instead of the package he was supposed to be delivering and went all the way back.” 

Tinawag pang anghel ni Maritoni ang delivery rider, “You are an angel and the Lord Jesus will bless your honest heart Jerome. [praying hands, relieved face emojis].”

Sunud-sunod naman ang mensahe ng mga followers ni Maritoni sa IG at todo ang papuri sa katapatan ni Jerome. 

Hiling nila na sana’y pagpalain pa ng Diyos ang rider at mabigyan ng mas magandang buhay pati na ang kanyang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending