Lalaking nag-offer ng P200M sa papatay kina Angel, Kim, Coco sumuko: Hindi ako yun | Bandera

Lalaking nag-offer ng P200M sa papatay kina Angel, Kim, Coco sumuko: Hindi ako yun

Ervin Santiago - May 22, 2020 - 04:55 PM

SUMUKO sa National Bureau of Investigation ang lalaking umano’y nagbanta sa buhay nina Angel Locsin, Kim Chiu at Coco Martin.

Kanina, personal na nagtungo sa NBI-Southern Mindanao si Nhiel Jhon Abellanosa para klaruhin ang pagkakasangkot niya sa nasabing death threat na ni-repost ni Angel sa kanyang Instagram account.

Sa ulat ng ABS-CBN, nabatid na ang 25-anyos na lalaki ay isang diver mula sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte.

Siya ang itinuturong nasa likod ng pagpo-post sa social media ng death threat laban sa mga Kapamilya stars. Handa raw siyang magbigay ng P200 million sa sinumang makakapatay kina Angel, Kim at Coco.

Matapos sumailalim sa standard booking procedure si Abellanosa sa NBI office, mariin niyang itinanggi na siya ang nag-post ng death threat at wala rin daw siyang Twitter account.

Boluntaryo rin niyang isinurender sa mga otoridad ang kanyang cellphone para sa isasagawang imbestigasyon.

Kung matatandaan, mismong si 

Angel ang nag-expose sa madlang pipol ng nasabing social media account at pabiro pang tinawag ang atensiyon ng NBI dahil nga sa pagbabanta sa kanyang buhay.

Agad namang tumugon ang NBI hinggil sa issue, “If Angel Locsin and other artists receive threats of physical harm or other means sent thru the social media and they feel these threats are serious they have all the right to seek the assistance of the NBI so their concerns can be appropriately addressed.” 

Nagpasalamat naman si Angel sa mabilis na tugon ng NBI pero aniya, wala siyang planong magdemanda o pormal na ireklamo ang nasabing netizen.

“For now, ipag-pray ko muna ‘tong mga taong ‘to. Ayoko silang pahirapan pa sa hirap ng buhay ngayon sa kung anong pwede kong ikaso sa kanila. ‘Pag umulit, hindi ko sila aatrasan,” pahayag ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero kahit hindi na magsampa mg pormal na kaso si Angel, tuloy pa rin ang imbestigasyon dahil ayon sa ulat, magiging complainant na ngayon ang totoong may-ari ng Twitter account laban sa gumamit sa kanyang pangalan.

Ito’y matapos ding mag-execute ng affidavit of denial si Abellanosa para panindigan na hindi siya ang gumawa ng account kung saan naka-post ang death threat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending