MAHIGPIT na babantayan ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga mosque at iba pang lugar sa Metro Manila sa Lunes upang masiguro na walang mangyayaring pagtitipun-tipon ng mga Muslim para sa paggunita ng Eid’l Fitr.
“May marching order na ‘yung PNP (Philippine National Police) na ‘yung mga mosque, gwardiyahan at tingnan na ‘yung directive ng IATF (Inter-Agency Task Force) na walang pagtitipon para salubungin ‘yung Eid’l Fitr,” ani National Capital Region Police Office chief, Maj. Gen. Debold Sinas.
“Ni-remind ‘yung mga District Directors na yung mga traditional places na pinuntahan ng Muslim brothers natin to celebrate kagaya ng Luneta, ‘yung Quirino Grandstand, ‘yung open spaces dapat may ilalagay na gwardiya dun na i-remind na bawal po muna ang pagtitipon-tipon, kasi ‘di pa pinayagan ng IATF at saka MECQ (modified enhanced community quarantine) tayo,” dagdag niya.
Pinaaalalahanan naman ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang mga kapatid na Muslim na bawal pa rin ang mga pagtitipon sa nga lugar na nasa ilalim ng MECQ.
“Imams and other religious ministers are allowed to provide home religious services provided that proper health and safety protocols are observed,” ayon sa kalatas.
Tiwala naman si Sinas na susundin ng mga Muslim ang utos ng IATF.
“Naniniwala naman ako na they (Muslim brother) will abide by the directive of the government. Kung may report ng pagtitipon, ‘yun ang pupuntahan po namin,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.