outbrain

Baron lumuhod, umiyak, humagulgol sa harap ni Paolo…bakit kaya?

By Ervin Santiago May 22,2020
share this

Baron lumuhod, umiyak, humagulgol sa harap ni Paolo…bakit kaya?

By Ervin Santiago May 22,2020
share this

Baron-Paolo

NAGKAROON pala ng matinding away noon ang magkaibigang Baron Geisler at Paolo Contis na naging dahilan din kung bakit super close sila ngayon.

Ito ang inamin ng dalawa nang muli silang magkaharap at magkakuwentuhan sa pilot episode ng “Just In: An Online Kumustahan with your Favorite TV Personalities”, ang bagong online talk show ni Paolo sa GMA social media accounts.

Ayon kay Paolo, bata pa lang sila ay talagang magkaibigan na sila na nagsimula nga sa youth oriented show ng ABS-CBN noon na Tabing Ilog. 

Aniya, kahit hindi sila nagkikita ni Baron nang madalas, at kahit magkaiba na sila ng TV network, napantili pa rin nila ang kanilang magandang friendship.

Sa chikahan ng dalawang aktor, napag-usapan ang tungkol sa pinakamatindi nilang away noong kanilang kabataan. Hindi na nila idinetalye kung anong naging ugat nito pero ito raw ang mas nagpatatag sa samahan nila.

Dito na inalala ni Baron ang ginawa niyang hakbang para magkabati sila ni Paolo at patawarin siya nito.

“May ginagawa akong sobrang hanggang sa ngayon, hindi ako natutuwa sa ginawa ko sa ‘yo.

“Three weeks tayong hindi pinapagsama sa eksena (sa dati nilang show) dahil susuntukin mo daw ako.

“Ako naman, sabi ko, ‘Teka muna, nawawalan ako ng eksena dito ‘ah? Baka next time mawalan ako ng taping dito.’

“Nag-text ako kay Paolo, hindi na ako nagsabi na pupunta ako. Pagdating ko doon, nakita ko siya, lumuhod ako kaagad, pero hindi acting ‘yon, umiiyak ako noon, medyo humahagulgol ako noon.

“Tapos biglang kinuha mo na lang ako tapos niyakap mo ako. After noon naging best friend na tayo,” lahad ni Baron.

Ayon naman kay Paolo, parang kapatid na ang turing niya kay Baron at maligata siya na maganda na rin ang buhay nito ngayon kasama ang sarili niyang pamilya.

“To be honest, sa lahat ng nanonood, Baron is very close to my heart.

“Siguro dahil sa haba na ng panahon, regardless kung hindi kami mag-usap nang matagal pero ‘pag nag-usap kami parang kahapon lang kami nag-usap.

“He has a very special place in my heart kasi mahal ko ‘yang kapatid ko na ‘yan,” pahayag ng Kapuso actor.

Bukod sa masaya nilang kuwentuhan tungkol sa kanilang personal na buhay, nag-throwback din ang magkaibigan sa mga proyektong ginawa nila together noon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending