Eagle Riggs iniyakan ang pag-alis sa ABS-CBN; tinanggal sa Unang Hirit | Bandera

Eagle Riggs iniyakan ang pag-alis sa ABS-CBN; tinanggal sa Unang Hirit

Ronnie Carrasco III - May 22, 2020 - 07:42 AM

Eagle Riggs

NITONG madaling araw ay natiyempuhan naming online si Eagle Riggs, swak siya sa aming topic lalo’t mainit pa ring pinag-uusapan ang pagpapasara sa ABS-CBN na tinututulan din ng ibang mga media organization tulad ng GMA.

Having had the best of both worlds, naisip naming hingan ng reaksyon si Eagle sa sinapit ng istasyon bago siya napadpad sa bakuran ng GMA (and later UNTV).

Taong 1988 noong magsimulang magtrabaho si Eagle sa noo’y hindi pa kilala bilang Kapamilya network. Palibhasa’y kabubukas pa lang ang noo’y ipinasarang istasyon kung kaya’t para silang nagsisimulang muli. Literally, from scratch.

Nagsilbi muna siyang editing assistant sa Magandang Umaga kung saan tumatayong executive producer/host si Korina Sanchez. In no time was Eagle promoted as segment writer.

Ipinagkatiwala sa kanya ang segment na Sining at Kultura hosted by Jimmy Santos and later Johnny Delgado.

Then came his bigger break via a cooking segment titled Eagle’s Nest on Teysi ng Tahanan.

Even before the term “multi-tasking” came in vogue ay ginagawa na ito ni Eagle. 

Mula 1992 hanggang 1997, gumanap siya bilang ninang ni Judy Ann Santos sa Mara Clara. Ang dapat sana’y pahinga niya tuwing Linggo had him work for Ready, Get Set, Go.

Segment host din siya ng Sa Linggo nAPO sila via Barangay Apo na mala-Juan For All, All For Juan ng Eat Bulaga.

One of the last jobs Eagle held ay ang pagiging head writer ng Mel & Jay.

Pero noong umalis sina Mel Tiangco at Jay Sonza bunga ng legal battle sa ABS-CBN, Eagle opted to stay. Katwiran niya, paraan daw ‘yon ng pagtanaw ng utang na loob sa istasyon which gave him the break he needed.

“Without ABS-CBN, I am nothing,” pahayag ni Eagle.

Much as he wanted to slug it out with the station ay wala siyang choice but to jump ship. Nakatengga raw kasi siya, walang show na puwedeng maibigay sa kanya.

Aminado si Eagle na iniyakan niya ang pagkawala sa ABS-CBN, having seen how it was slowly recovering.

Hence ang paglipat niya sa GMA noong 1999, briefly bilang head writer ng SOP until he was with Unang Hirit.

Sadly, Eagle was eased out of the early morning news program for reasons unknown to him, gayong aniya: “Wala akong absence sa show.”  

But in time ay tinanggap na rin niya ang kanyang kapalaran no matter how painful it was.

Sa aling istasyon kaya mas sumama ang loob ni Eagle? Ano kaya ang masasabi niya sa shutdown ng ABS-CBN? At may mensahe ba si Eagle sa kung sinuman ang nasa likod ng pagpapasara sa istasyon?

Itutuloy bukas, Sabado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

                                                                                    

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending