'Bawal Lumabas' ni Kim naka-10M views ‪sa 1‬ araw: Tanggapin mo ang pagkakamali mo | Bandera

‘Bawal Lumabas’ ni Kim naka-10M views ‪sa 1‬ araw: Tanggapin mo ang pagkakamali mo

Ervin Santiago - May 21, 2020 - 02:40 PM

KAY Kim Chiu pa rin talaga ang huling halakhak — at kanyang-kanya rin ang milyun-milyong views na nagetsing ng kanyang “Bawal Lumabas” viral song.

Ibinalita ng Kapamilya actress ang good news ngayong araw sa madlang pipol tungkol sa latest single niyang “Bawal Lumabas (The Classroom Song)”. Naka-10 million views lang naman ito sa loob lang ng isang araw.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Kim ang isang artcard kung saan makikita ang breakdown ng milyun-milyong views na nakuha ng kanta mula sa social media at iba pang platforms.

Mahabang caption ni Kim, “Good morning classmates!!! More than 10 million views across social media platforms for BAWAL LUMABAS THE CLASSROOM SONG!!! 

“Maraming salamat classmates! Isang malaking #ACKaF !!!! During this process I learned A LOT!!!! #Acceptance – tanggapin mo ang pagkakamali mo.

#Courage harapin mo ng buo ang situation at ang mga tao sa paligid mo. #Kindness kahit anong ibato sayo. Tignan mo pa rin na mabuti silang tao. Never loose faith in humanity. Always choose to be kind.

“And #Faith tiwala sa panginoon na kahit anong mangyari hinding hindi ka niya pababayaan. Kutyain ka man ng lahat. Wag mo lang itigil ang pagdadasal. 

“Aminin ko at one point tumigil ako. Sabi ko sa sarili ko para saan pa to parang di naman niya naman ako naririnig. Days of silence then this came. 

“Hinding hindi na tayo pababayaan. Tuloy lang pagdasal, may isa pa kaming patuloy na pinagdarasal na dumating ang araw na sabihin nila sa amin na ‘AY! PWEDE NA PALA KAYONG LUMABAS.’ #tiwala.

“Maraming salamat classmates! Mabuhay po kayong lahat! Salamat sa kantang to! HAPPY?! Happy!!!!! everybody happy!!! Salamat #adrian and #Djsquammy and sir @jonathanmanalo @starmusicph @starpopph @roxsantos

#BawalLumabas #theclassroomsong will be available in digital platform this weekend.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending