DEAR Atty.:
Ako po si Rosalie D. ng Bislig City. Mayroon pong mga ari-arian ang papa ko sa mother side niya doon sa Cebu.
Ngayon po, nalaman namin na ibinenta ng mga kapatid ng papa ko, dahil may nakapagsabi sa amin na kilala ng papa ko. Kada-isa daw sa kanila ay nakatanggap ng P190,000, tapos tinawagan namin ang kapatid ng papa ko sabi niya sa amin P30,000 lang daw ang sa amin.
Tapos ngayong September na niya ipapadala ang pera. May habol pa kaya kami, attorney? — Rosalie D., …3093
Dear Rosalie:
Ang mana ng mama ng papa mo, kung sakali namatay na walang Last Will and Testament, ay kailangan dumaan sa proseso ng Extrajudicial Settlement of Estate, bago ito maaaring ibenta.
Kung meron namang Last Will and Testament, ito naman ay kailangan maproseso sa Regional Trial Court sa pamamagitan ng isang “probate proceedings”.
Sa una at pangalawang klase ng settlement of estate of deceased person, limang proseso ang kailangang pagdaanan:
Step 1. Identification of heirs.
Step 2. Identification of assets/properties.
Step 3. Identification of accounts payables/loans, if any.
Step 4. Payment of accounts payables/loans, if any from the properties identified in Step 2.
Step 5. Distribution of assets less liabilities to the identified heirs.
Kung sakaling nagkaroon ng Extrajudicial Settlement of Estate ang
iyong tiyo na hindi pumirma ang iyong ama, at ipinalabas na siya lang, at tanging siya lang ang nag-execute ng “Affidavit of Sole Heir”, o isang dokumento na nagkukwento na isa lamang siya na tagapagmana at wala ng iba, ay maaari ninyo itong kuwestyunin.
Kaya meron kayong habol sa mga nabentang ari-arian ng estate. — Atty.
Dear Atty.:
Ako po si Lyn, 43, taga Zamboanga City.
Itatanong ko lang po, may utang po ako sa mga Pakistani at 4 months na di ko nababayaran. Kumplikado po kasi gaya po ng P10k po ang nakuha ko tapos nakabayad ako ng P2k. Pag binayaran ko po yung utang ko, may interest pa po ba yun o yung P10K na lang na principal? Sa iba po kasi yung principal na lang po ang babayaran. Salamat po sa payo nyo. …Lyn, Zamboanga City, …9302
Dear Lyn:
Ang lahat ng nagpapautang ng pera ay kailangan may permit. Base sa inyong kwento, ang palagay ko yung mga sinasabi ninyong mga “Pakistani” ay mga loan shark, o silang mga nagpapatubo ng “unconscionable”, o interes na hindi makatarungan.
Kung sa inyong palagay ay hindi makataru-ngan ang pa-interes ng inyong pinagkakauta-ngan, maaring humiling na ipawalang bisa ang inyong usapan tungkol sa interes.
Babala lang: Suspendido ang “Usury Law”, at ang lender at borrower ay libre na magkasundo kung anong interes ang kanilang gagamitin sa kanilang transaction. — Atty.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.