Marian, 2 anak parang triplets: Ang mag-iinang sobrang pinagpala!  | Bandera

Marian, 2 anak parang triplets: Ang mag-iinang sobrang pinagpala! 

Jun Nardo |May 21,2020
facebook
share this

Marian, 2 anak parang triplets: Ang mag-iinang sobrang pinagpala! 

Jun Nardo - May 21, 2020 - 09:56 AM

NAGSILBING hamon sa mga movie producer na members ng Philippine Motion Pictures Producers Association (PMPPA) ang intrigang mahirap silang pagsamahin para sa isang layunin lalo na pagdating sa film production.

      Pero nasupalpal ang mga kontrabida dahil nang magkaroon ng zoom conference recently para pag-usapan ang estado ng film industry at health protocols kung sakaling bumalik na ang paggawa ng pelikula, sama-sama ang members at nagkaisa sa iisang layunin.

      Sinuportahan ng lahat ng members ang health protocols na binalangkas ng Inter-Guild Alliance Committee.

      Isa sa members ng grupo ng producers si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films. Inilabas niya sa kanyang Facebook na aprubado na ng IATF ang protocols ng Inter Guild Alliance.

      Pero may pagkakamali raw sa ilang online site na nag-post sa statement ng lawyer-producer. Ang nakalagay kasi dito ay “do not meet” na dapat ay “do not need the approval.” Hiling ni Atty. Joji na maitama ang post niya.

      Samantala, makapagsimula man ng shootings, ang balita naman naming nakuha ay baka sa September pa payagang magbukas ang mga sinehan, huh!

      Magbukas man, siyempre, mas lamang ang lugi kesa kita dahil limitado na ang taong puwedeng makapanood, huh!

                      * * *             

Tila pinagbiyak na bunga ang baby pictures ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at mga anak nitong sina Zia at Ziggy sa pagkukumpara na rin ng netizens. 

Hindi maikakaila na namana ng cute na cute na sina Zia ay Ziggy ang pagka-mestiza ng kanilang ina. Ika pa nga ng netizens ay papasang triplets ang mag-iina.

“Ang mag-iinang sobrang pinagpala sa ganda. Ang amo ng mga mukha,” comment ng isang DongYan fan. 

Ayon naman sa ilang netizens ay mini-me version ni Dingdong Dantes ang unico hijo nitong si Ziggy. 

Dahil tigil muna sa taping si Dingdong ng Descendants of the Sun ganoon din si Marian sa upcoming GMA series nitong First Yaya, inilalaan ng mag-asawa ang kanilang oras sa pakikipag-bonding sa kanilang mga supling. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pansamantalang napapanood si Dingdong sa rerun ng Stairway to Heaven kasama si Rhian Ramos tuwing hapon pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime.

       

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending