NIYANIG ng magnitude 5.0 lindol ang Davao Occidental kanina.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-8:45 ng gabi.
Ang epicenter ng lindol ay 96 kilometro sa silangan ng Sarangani. May lalim itong 73 kilometro.
Posible umanong magkaroon ng mga aftershock ang pagyanig na ito.
Naramdaman ang:
Intensity III sa Glan, Sarangani
Intensity II sa General Santos City; Davao City; Malapatan at Alabel, Sarangani
Instrumental Intensities:
Intensity IV sa Malungon, Sarangani
Intensity III sa Alabel, Sarangani
Intensity II sa Kiamba, Sarangani; General Santos City; at Tupi, South Cotabato
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.