Erap for president sa 2016 | Bandera

Erap for president sa 2016

Leifbilly Begas - August 14, 2013 - 07:00 AM

MAY nakapansin sa pagiging aktibo ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas sa isyu ng paglilipat sa mga nakatira sa estero.

Problema talaga ng mga nakatira sa estero na isa sa itinuturong dahilan ng pagbaha.

Marami ang natuwa sa ginawa ni Sec. Mar (at marami rin ang napapataas ang kilay…usaping 2016 ba ito?) talaga namang dapat tumulong sa pagresolba ng problema ang DILG na siyang nagbabantay sa mga lokal na pamahalaan.

Meron ding mga nagtatanong, asan naman daw si Vice President Jejomar Binay na siyang housing czar ng bansa na siyang dapat nangunguna sa pagresolba sa isyung ito.

Naungkat na naman tuloy ang lumang kuwento na nagsasapawan ang dalawa.

Hindi pa nga naman tapos ang isyu sa kanila noong 2010 elections kung saan tinalo ni Binay si Mar sa pagka-bise presidente, patuloy pa rin ang kanilang bakbakan.

Wag din nating kalimutan na minsang napabalita na nais ni Binay na makuha ang DILG pero hinarang daw ng kampo ni Roxas kaya napunta si VP sa pabahay, at ngayon ay sinasapawan na ni Mar.

Hmmm…talagang amoy 2016 na nga.

Tinuluyan pala ni Dasmarinas Rep. Elpidio Barzaga si Abakada Guro Rep. Jonathan dela Cruz.

Talagang gustong paimbestigahan ni Barzaga si dela Cruz sa House committee on ethics.

Sa bagay, may punto naman si Barzaga, hindi basta dapat pumatol sa mga kapirasong papel na natatanggap ang mga kongresista.

Dapat alamin muna kung totoo yung laman ng papel.

Baka nga naman gawa-gawa lang tapos mapapahiya ang Kamara.

Nag-ugat ito sa papel na ipinamigay ni dela Cruz sa media ukol sa 98 kongresista na nagbigay umano ng kanilang Priority Development Assistance Fund sa mga bogus na NGO.
Wala pang inilalabas na ganitong ulat ang COA. Ibinigay lang daw ito ng isang source ni dela Cruz.

Naging mainit sa media ang Maynila kamakailan dahil sa mga pagbabagong ipinatutupad ni Mayor Erap Estrada.

Kapag sinuwerte itong si Erap, at napatino niya ang Maynila, may pagkakataon siya na mu-ling tumakbo sa presidential elections sa 2016.

Kung mangyayari ito, malamang ay hindi na tumuloy ang anak niyang si Sen. Jinggoy Estrada na mag VP o prexy.

Baka si Sen. Jinggoy ay bumalik sa pagka-mayor, hindi ng San Juan, kundi ng Maynila. Kapalit ng tatay niya.
Hindi naman siguro sila mangangahas na ‘Estrada-Estrada’ father and son tandem sa 2016 kahit hindi naman ito ipinagbabawal ng batas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Editor: May komento o tanong ba kayo sa artikulong ito? I-text ang TROPA, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending