Mga single pinayuhan maghanap ng 'sex buddy' sa quarantine | Bandera

Mga single pinayuhan maghanap ng ‘sex buddy’ sa quarantine

Djan Magbanua - May 20, 2020 - 11:32 PM

“SEX buddy” ang kailangan ng mga single habang nasa gitna ng quarantine, ito ay ayon sa National Institute for Public Health and the Environment o (RIVM) ng Netherlands para sa mga single na Dutch.

Ayon sa nasabing department, na kahit ang mga single ay naghahanap din ng intimacy sa pamamagitan ng physical contact.

Pero dahil sa banta ng coronavirus disease, maaaring mahirapan ang mga single at maging mga in a relationship sa pananatiling safe pagdating sa sex.

Ayon sa isang report, kailangan lang mag-practice ng safe sex ang mga ‘sex buddies’.

Sinabi ng RIVM, na dapat pag-usapan ng dalawa ito. Pinapayagan din nila ang pagkikita at pagkakaroon ng physical o sexual contact kung nakakasigurado sila na sila ay COVID free. Inabisuhan din nila ang mga mag-sex buddies na limitahan ang mga sexual partners para maiwasan ang pagkakataong magkalat ng virus.

Para naman sa mga in a relationship sa mga taong may sakit na COVID o suspetsa na may sakit nito, inabisuhan nila na gumawa ng solusyon para mapanatili ang social distancing tulad ng  ‘sex with yourself or with others at a distance’, at ‘masturbating together’.

Noong March 23 pa naka-lockdown ang Netherlands bilang parte ng kanilang laban sa coronavirus disease. Sa kanilang guidelines, pinapayagan ang mga small gatherings basta mananatiling magkakalayo sa inabisong distansya.

Unang inihayag ng Dutch government na ang mga couples na hindi magkasama sa iisang bahay ay huwag munang magkita bago magbago ang kanilang isip.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending