Heart, Chiz saludo sa tapang ni Kim; 'Bawal Lumabas' pinuri nang bongga | Bandera

Heart, Chiz saludo sa tapang ni Kim; ‘Bawal Lumabas’ pinuri nang bongga

Ervin Santiago |May 19,2020
facebook
share this

Heart, Chiz saludo sa tapang ni Kim; ‘Bawal Lumabas’ pinuri nang bongga

Ervin Santiago - May 19, 2020 - 10:28 PM

BUMILIB din ang mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista sa katatagan at pagiging positibo ni Kim Chiu.

Viral na ngayon ang kanta ni Kim na “Bawal Lumabas”, ang produkto ng pamba-bash at pambu-bully sa kanya ng mga trolls nang dahil sa “classroom rules” na ginamit niya sa pagtatanggol sa ABS-CBN.

Nakipag-collaborate ang aktres para mabuo ang nasabing kanta kay DJ Squammy at sa netizen na si Adrian Crisanto na siyang nasa likod ng viral open letter sa Facebook na nagsilbing inspirasyon kay Kim para agad bumangon at mag-move on.

Maraming humanga at sumaludo sa Kapamilya actress dahil kahit na matinding panglalait at pambabastos ang ginawa sa kanya ng mga haters, nakuha pa rin niyang bumangon at manindigan sa kanyang mga pinaniniwalaan.

Kabilang na nga riyan ang mag-asawang Chiz at Heart.

Mensahe ng governor ng Sorsogon kay Kim, “This how to handle and do it! Congrats ⁦@prinsesachinita⁩ You just showed everybody how to turn lemons into lemonade! Kudos to you!”

Agad nagpasalamat ang dalaga sa mister ni Heart, “Thank you po sir chiz (heart emoji).”

Pahayag naman ni Heart, “We love you @prinsesachinita. At the end of the day, you can never put a person with a good heart down.” 

Maikling tugon naman ni Kim sa Kapuso actress, “Lodi forevs (heart emoji).”

Hit na hit na ngayon sa social media ang “Bawal Lumabas” ni Kim kung saan bidang-bida ang mga salitang binitiwan niya para ipakita sa buong mundo ang pagmamahal at pagtatanggol niya sa ABS-CBN na pinagtawanan, nilait at minaliit ng mga bashers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Things may put you down pero tayong mga Pilipino hindi natin nakakalimutan tumawa sa gitna ng pinagdadaanan natin. Mahilig tayong tumambay pero hindi sa problema. Nandito lang ako. Nadurog man pero hindi susuko,” ang mensahe ni Kim.

“Salamat sa lahat ng nagbigay inspirasyon sakin. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat. Lets spread love, kindess and positivity. Good vibes lang ang pwede sa classroom!  Tama? Tama!” pahayag pa ni Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending