Fans ni Maris Racal masama ang loob kay Inigo Pascual, bakit kaya?   | Bandera

Fans ni Maris Racal masama ang loob kay Inigo Pascual, bakit kaya?  

Ervin Santiago |May 19,2020
facebook
share this

Fans ni Maris Racal masama ang loob kay Inigo Pascual, bakit kaya?  

Ervin Santiago - May 19, 2020 - 06:42 PM

BINUWELTAHAN ng mga tagasuporta ng young actress na si Maris Racal ang dati nitong ka-loveteam na si Inigo Pascual.

Ito matapos lumabas sa ilang entertainment website at vlogs ang ginawang pagtatanggol ng anak ni Piolo Pascual si Kathryn Bernardo mula sa mga bashers nito sa social media.

Isa si Inigo sa mga celebrities na dumepensa sa girlfriend ni Daniel Padilla nang ma-bully ito nang bonggang-bongga dahil sa pagsasalita nito tungkol sa ABS-CBN shutdown.

Kung anu-ano nang masasakit at malilisyosong salita ang ibinato nila sa dalaga, kabilang na ang pagtawag sa kanya ng “pangit” at “sakang”. Ito rin ang dahilan kung bakit nag-trending ang #SakangSiKathryn last weekend.

Sa kanyang tweet, ramdam na ramdam ng netizens ang pagka-bad trip ni Inigo na nakatrabaho noon ni Kathryn sa pelikulang “Crazy Beautiful You” noong 2015.

Bwelta ni Inigo sa bashers, “wtf is wrong with people making a trend about Kath like that?

“May nakuha ba kayo sa ginagawa nyo. At least Kath is very successful.”

Siyempre, nagpasalamat ang KathNiel fans sa pagtatanggol ni Inigo kay Kath pero nagreklamo naman ang ang ilang netizens, lalo na ang MarNigo fans, ang supporters ng tambalan nila ni Maris.

Masama ang loob nila ngayon dahil noong si Maris daw ang bina-bash at binu-bully noon ay hindi man lang daw ipinagtanggol ni Inigo ang dalaga samantalang mas malalim naman daw ang kanilang pinagsamahan.

Sana raw ganyan din siya katapang noong down na down si Maris dahil sa naranasan niyang pambabatikos mula sa mga netizens. 

Kung matatandaan, kinuyog din si Maris ng mga haters at trolls ilang linggo na ang nakararaan, dahil sa naging pahayag niya laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito yung panahon kung saan naging kontrobersyal ang “shoot them dead” speech ng Pangulo laban sa isang urban poor group na nag-rally sa EDSA para magprotesta dahil hindi pa sila nabibigyan ng ayuda noong kasisimula pa lang ng lockdown.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mensahe noon ni Maris, “Positive na sukang suka na sa government, good people are outnumbered.”

Matindi ang pambabatikos sa dalaga netizens lalo na ng mga DDS, talagang sinampal siya ng masasakit na salita, sa katunayan nagpa-trend pa sa Twitter ang kanyang bashers ng hashtag #BoycottMarisRacal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending