Magbiro ka na sa lasing wag lang tungkol sa Covid-19; 'coronavirus joke' paparusahan sa Valenzuela | Bandera

Magbiro ka na sa lasing wag lang tungkol sa Covid-19; ‘coronavirus joke’ paparusahan sa Valenzuela

Djan Magbanua - May 20, 2020 - 10:39 AM

IPINAGBABAWAL ang pagbibiro tungkol sa coronavirus disease o COVID-19 sa Valenzuela City matapos pirmahan ang isang ordinansa ukol dito.

Sa ilalim ng Ordinance 708 o ‘Bawal Ang COVID-19 Jokes’ ordinance, ipinagbabawal ang pag-gamit ng COVID-19 sa katatawanan.

Sakop nito ang pag-gamit ng COVID-19 bilang biro sa mga personal na usapan, liham, telepono, e-mail at social media.

Kasama rin dito ang pagpapanggap na may COVID-19 o pag-aakusa sa ibang tao na may sakit nito.

Papatawan ng hindi hihigit sa P5,000 multa at community service o isang buwang pagkakakulong ang lalabag dito.

Sa mga lalabag naman na menor de edad, sila ay kailangan sumailalim sa Intervention Program ng City Social Welfare and Development Office.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending