Marian nag-donate ng 1 kahong gatas ng ina para sa 'padede moms' | Bandera

Marian nag-donate ng 1 kahong gatas ng ina para sa ‘padede moms’

Ervin Santiago |May 19,2020
facebook
share this

Marian nag-donate ng 1 kahong gatas ng ina para sa ‘padede moms’

Ervin Santiago - May 19, 2020 - 01:07 PM

ISANG kahon ng breastmilk ang ipinamigay ni Marian Rivera para sa mga sanggol na nangangailangan nito ngayong panahon ng health crisis.

Ipinost ng Kapuso Primetime Queen sa kanyang Instagram ang pagdo-donate niya ng breastmilk bilang paggunita sa World Day of Human Milk Donation.

Dito hinikayat din ng misis ni Dingdong Dantes ang iba pang mga mommy na ibahagi rin ang kanilang gatas para sa mga baby sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa IG post ni Marian, makikita na nakapuno siya ng isang kahong breastmilk at may caption na, “Sa paggunita sa ‘World Day of Human Milk Donation’ nais kong kong ibahagi ang mumunting alay ko sa mga sanggol na makikinabang sa natatanging sustansya at proteksyong taglay ng gatas ng ina. 

“Nakikiisa ako sa mga padede-nanay/moms na walang humpay sa pag-aalaga sa kanilang mga anak. 

“Sa panahon ng crisis, nawa’y makatulong ang donasyon na eto sa mga sanggol na higit na nangangailangan. #KapitNanay Maraming salamat din @joyzrnmsnclcibclc ikaw ang isa sa mga inspiration ko!”

Isa si Marian sa mga celebrity mommy na matatawag na breastfeeding at breastmilk advocate. Nakiisa rin siya kamakailan sa isang fundraiser na sumusuporta sa mga tulad niyang nanay ng #KapitNanay.

* * *

Sa unang video ng digital series na #GMATeleBahay, nagbigay-pugay ang Kapuso Network sa lahat ng mga nanay.

 Pinamagatang “Salamat, ‘Nay”, sinundan nito ang kuwento ng isang ina na humiwalay sa pamilya niya para kumita ng pera. Sa madamdaming video, ipinakita kung paano siya nangungulila sa mga anak at asawa. 

Tampok dito sina Gilleth Sandico bilang ang ina, at sina Mikee Quintos, Mikoy Morales, at Raphael Landicho, kasama si Neil Ryan Sese.

Base sa comments sa Facebook video, marami ang naantig at naka-relate. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kahit daw lumipas na ang Mother’s Day, dapat ay araw-araw pa rin nating iparamdam sa mga ina natin ang pagmamahal natin para sa kanila.

Panoorin ang video sa official Facebook page ng GMA Network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending