Vice sa relasyon nila ni Ion: Sa dami ng nanloko sa 'kin, damang-dama ko ang kaibahan ngayon! | Bandera

Vice sa relasyon nila ni Ion: Sa dami ng nanloko sa ‘kin, damang-dama ko ang kaibahan ngayon!

Ervin Santiago |May 19,2020
facebook
share this

Vice sa relasyon nila ni Ion: Sa dami ng nanloko sa ‘kin, damang-dama ko ang kaibahan ngayon!

Ervin Santiago - May 19, 2020 - 11:24 AM

VICE GANDA AT ION PEREZ

NAG-SHARE ng “hashtag couple goals” at “dyowa tips” ang TV host-comedian na si Vice Ganda.

Totoo raw talaga na napakahalaga sa isang relasyon ng mga salitang “give and take”. Napatunayan daw niya yan sa relasyon nila ngayon ni Ion Perez.

Yes, going strong pa rin at makulay ang love story ng showbiz couple sa gitna ng umiiral pa ring enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 crisis.

Sa nakaraang Facebook live session ng Kapamilya comedian, naikuwento ni Vice ang estado ng relasyon nila ni Ion at kung paano nila inaalagaan ang isa’t isa sa kabila ng mga challenges sa personal nilang buhay.

Ani Vice, ramdam na randam niya ang masarap at exciting na pagmamahalan nila ng kanyang boyfriend, “Jusko, sa dami naman ng pinagdaanan ko sa pag-ibig. Sa dami rin naman ng nanloko sa akin, kaya damang-dama ko ang kaibahan ngayon. 

“Ang puso, kusa mo mararamdaman na, ‘Ay, eto na.’ Wala ka nang ibang hinahanap,” lahad ng komedyante.

Pag-amin pa niya, “Dati pag wala kang dyowa, gusto mo rumampa, gusto mo uminom, gusto mo humarot, gusto mo tsumika.

“Lahat gusto mo gawin para lang malibang ka. Pero pag in love ka na, ayaw mo na ng pag-aaksaya ng energy sa walang kapararakan. Yung feeling na panatag ka na,” ani Vice.

Isang netizen ang nagtanong kung may pinag-aawayan ba sila ni Ion, “Hindi kami madalas mag-away ni Ion, e. Pero nag-aaway kami.

“Pero ang away namin yung magkakainisan, tapos hindi muna kami mag-uusap. After a few minutes, magso-sorry, tapos tapos na.”

Dagdag pa ng TV host, “Ayoko ng away na lalampas ng isang gabi o matutulog ng magkaaway. Ayokong natutulog na kaaway siya.

“Pinag-usapan namin iyan, ‘Pag magkatampuhan tayo, hindi tayo matutulog hangga’t hindi tayo okay.’ Hindi ako gigising ng may kaaway o kagalit. Ayoko nu’n,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa ng dyowa ni Ion, “Ang pangit ng gising na magkagalit kayo. Ang hirap matulog ng may kagalit kayo.

“Kailangan pag gumising ka, masaya ka, kasi idi-dictate nu’n ang pakiramdam mo sa isang buong araw. Imagine mo, gigising ka, kaaway mo dyowa mo. Paano ka magtatrabaho nu’n?”

Proud na proud na sinabi ni Vice na napakasimpleng tao ng BF niya, “Si Ion, ang simpleng tao. Kapag gusto niya makipagharutan, makikipagharutan siya.

“Kapag gusto niya matulog, matutulog siya. Kapag imbiyerna siya, imbiyerna siya. Pero pag imbiyerna siya, sasabihin niya, tapos wag mo siya kukulitin,” sey ng Phenomenal Box-office Star.

Hirit pa ni Vice, respeto ang magic word para sa isang tahimik at masayang relasyon, “Di ba, kaaway natin dyowa natin, tapos nananahimik siya, tapos dakdak tayo nang dakdak.

“Ay, nababaliw ang dyowa natin. Lalo silang nabubuwisit. Pag sinabi nating, ‘Mag-usap tayo.’ Pag sinabi nilang, ‘Huwag muna, mamaya na.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Huwag na natin kulitin. Give each other some space. Kasi kung lagi kang galit, tapos makikipagbati ka, mukha ka nang g*go nu’n! E, dati, tarantado ako. Gusto ko ngayon, good vibes lang,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending