Hearing sa ABS-CBN franchise sinimulan na sa Senado | Bandera

Hearing sa ABS-CBN franchise sinimulan na sa Senado

Liza Soriano - May 19, 2020 - 10:55 AM

SINIMULAN na ng Senado ang pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN.

Pinangunahan ng Senate committee on public services ang pagdinig sa pamumuno ni Sen. Sherwin Gatchalian, na siyang vice-chairman ng komite makaraang mag-inhibit si Sen. Grace Poe sa pagdinig.

Apat na panukalang batas ang inihain sa Senado na tatalakayin ng komite kabilang na rito ang Senate Bill Nos. 981 at 1521 na naglalayong bigyan ng 25 taong prangkisa ang ABS-CBN at ang pagbibigay ng provisional franchise sa network hanggang Hunyo 30,2022.

Inihain din ang Senate Bill Nos. 1374 at 1403 na nagpapalawig sa ABS-CBN franchise hanggang Disyembre 31, 2020.

Kabilang sa mga inimbitahan sa pagdinig  ay mga opisyal ng ABS-CBN Corporation, National Telecommunications Commission (NTC), Department of Justice, (DOJ), Department of Information and Communications Technology (DICT), Office of the Solicitor General,  na nauna nang nagharap ng petisyon sa Korte Suprema  para ipawalang bisa ang prangkisa ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending