Willie 'minura' ng babaeng tinawagan sa Wowowin; nanalo ng P15K | Bandera

Willie ‘minura’ ng babaeng tinawagan sa Wowowin; nanalo ng P15K

Ervin Santiago |May 19,2020
facebook
share this

Willie ‘minura’ ng babaeng tinawagan sa Wowowin; nanalo ng P15K

Ervin Santiago - May 19, 2020 - 09:54 AM

VIRAL na ngayon ang video ni Willie Revillame kung saan “minura” siya ng babaeng kanyang tinawagan para manalo ng P10,000 sa “Tutok To Win” ng Wowowin.

Nangyari ito kagabi sa isang segment ng live episode ng programa sponsored by an online shopping app. Dito tinatawagan ni Willie ang viewers na nagko-comment sa kanilang official social media accounts at mananalo ng instant cash.

Bago matapos ang programa, isang babae ang tinawagan ni Willie, at nang sagutin nga nito ang telepono, sinabihan agad siya ni Willie na pasalamatan ang kanilang sponsor nang walang pagpapakilala at pagbanggit ng kanyang pangalan.

Pero sa halip na sundin ang utos ng TV host-comedian, sinabihan siya ng babae ng “G*go!” Siyempre, shocked si Willie at muntik nang mahulog sa kanyang upuan. Ilang sandali pa tinawag uli ng babae ang TV host ng “G*go”.

Dito na nagpakilala si Willie, “Uy, huwag niyo ako murahin. Si Willie Revillame ito.” 

Nagsisigaw ang babaeng nagpakilalang si Alexis nang mabosesan na ang TV host, “Sorry po talaga, Kuya Wil! Sorry po! Akala ko po talaga pinagti-tripan niyo ako. Sorry po!” 

Tawa lang nang tawa ang komedyante sabay harap sa camera at nag-dialogue ng, “Alam mo kung ano sinabi mo? Nadinig ko. Sasabihin ko ulit, isisigaw ko sa mundo, sabi mo, ‘Guwapo!’

“Dahil diyan sa sinabi mong guwapo ako, sampung libo! At first time kong nasigawan ng guwapo.”

Hirit pa ng comedian, “Bakit mo naman ako sinigawan ng guwapo?” Na sinagot ng winner ng, “Akala ko po kasi talaga pinagtitripan ako, e. Kasi sabi niyo po kasi, araw-araw, hapon-hapon po, na huwag maniniwala agad.”

“Huwag maniniwala, ako na nga ito, e! O, kita niyo, naniniwala na kayo, hindi pa niya ako nakikita, nagaguwapuhan na siya sa akin,” biro ni Willie.

At sa halip na P10,000 lang ang ibigay sa winner, dinagdagan pa ito ni Willie ng P5,000. “Oh my god! Thank you po! Maraming salamat po, Kuya Wil!” ang tili nang tiling sagot naman ng babae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit pa ni Willie, “Ito ho, e, babala. Hindi kapag minura niyo ako ay dadagdagan ko kayo! Naguwapuhan lang po siya sa akin!”

 “Hindi kami manloloko. Dito niyo makukuha ang papremyo sa show na ito,” pahabol pa ng TV host. Tugon naman ni Alexis, “Akala ko po kasi manloloko, e! Sorry po talaga!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending