3 patay sa lambanog | Bandera

3 patay sa lambanog

John Roson - May 18, 2020 - 02:56 PM

TATLONG tao ang nasawi at isa pa ang naospital matapos umanong malason sa ininom na lambanog, sa Los Baños, Laguna.

Pinakahuling nasawi si Regino Lapitan kahapon ng madaling-araw, habang nilulunasan sa pagamutan, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Una sa kanya, nasawi si Christian Makasinag sa bahay nito noong Sabado ng hapon, at binawian ng buhay sa pagamutan si Analyn Jubilo nang gabing iyon.

Naospital din si Cornelio Tandang, pero pinayagang makauwi matapos malunasan.

Lumabas sa imbestigasyon na nag-inuman sina Makasinag, Jubilo, Lapitan, Tandang, at dalawa pang tao, sa gitna ng isang bukid sa Sitio Ibaba, Brgy. Maahas, mula Biyernes ng gabi hanggang Sabado nang madaling-araw.

Uminom sila ng lambanog na nabili kina Rodel Valdez at Dary Remegio, at kinabukasan ng umaga’y dumanas na ng pananakit ng tiyan, ayon sa pulisya.

Ipinasusuri pa ang labi ng mga namatay para matiyak ang sanhi ng kanilang ikinasawi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending