Vice sa bashers: Sa mga buwisit sa buhay, don't try na kontrolin sila masasaktan ka lang | Bandera

Vice sa bashers: Sa mga buwisit sa buhay, don’t try na kontrolin sila masasaktan ka lang

Ervin Santiago - May 18, 2020 - 01:07 AM

VICE GANDA

PINAYUHAN ni Vice Ganda ang madlang pipol na maging mas matatag at maunawain ngayong mas tumitindi ang online bullying.

Ayon sa TV host-comedian, mahirap nang kontrolin ang mga bashers at trolls ngayon kaya ang magandang gawin ay kontrolin na lang ang sarili sa pagpatol sa mga ito.

For the first time pagkatapos ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN sa pamamagitan ng cease and desist order ng National Telecommunications Commission, humarap ang Phenomenal Box-office Star sa publiko sa pamamagitan ng Facebook Live chat.

Sinagot ni Vice ang ilang tanong ng kanyang fans at social media followers at sinabing miss na miss na niya ang mga ito lalo na ang pagpapasaya nang live sa madlang pipol sa pamamagitan ng It’s Showtime.

Tinanong din ng ilang netizens kung ano ang masasabi niya sa mga kanegahan at pag-aaway-away sa social media sa gitna nang COVID-19 pandemic at sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Tugon ni Vice, “Kailangan patatagin ninyo ang sarili ninyo.

“Hindi natin mako-control ang ibang tao, kung paano sila mag-iisip, kung paano nila bubuksan ang bunganga nila, kung paano sila mag-iisip tungkol sa atin. 

“Don’t even try na kontrolin sila dahil masasaktan ka lang.

“Pero mako-control mo ang sarili mo kung papatol ka ba sa kanila, kung iyong galit nila babalikan mo ba ng galit o papatayin mo sila sa kabutihan?

“Mako-control mo ba ang sarili mo kung papayagan mo silang mainis ka, kung babasagin mo ba ang sasabihin nila, kung papakinggan mo ba sila,” paliwanag ng TV host-comedian. 

Dagdag pa niya, “Sa mga bashers, sa mga buwisit sa buhay, hindi na natin mako-control iyan. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang mako-control lang natin iyong kung paano natin sila iiwasan at hindi sila maging bahagi ng magandang buhay nating lahat,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending