#WeBlockAsOne ng KathNiel fans tagumpay: Balang araw wala nang mambu-bully | Bandera

#WeBlockAsOne ng KathNiel fans tagumpay: Balang araw wala nang mambu-bully

Ervin Santiago - May 16, 2020 - 11:30 AM

TAGUMPAY ang report-and-block campaign ng mga KathNiel supporters laban sa mga bashers at trolls na walang ginawa kundi mam-bully ng kapwa sa social media.

Gamit ang hashtag #WeBlockAsOne, nagkaisa ang mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na i-block at i-report ang mga netizens na namba-bash sa dalawang Kapamilya stars matapos silang magpahayag ng suporta sa ABS-CBN.

Nanguna sa Philippine trends list sa Twitter ang #WeBlockAsOne na sinuportahan din ng mga kaibigan sa showbiz nina DJ at Kath.

Inulan din ng batikos ang tinaguriang King & Queen of Hearts matapos ipagtanggol ang ABS-CBN mula sa mga kritiko ng network pati na ang pagpapalabas ng cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission laban sa istasyon.

“Sa mga kabataan, sana huwag kayong matakot. Kasi kagaya niyo rin ako, natakot ako. Pero kung hindi kasi tayo magsasalita ngayon, sino? Tayo ‘yung magmamana ng Pilipinas, kaya may karapatan tayo,” ani Kathryn. 

Sabi naman ni Daniel, “Alam ko na kung anuman ang halaga sa amin ng ABS-CBN ay maaaring hindi iyon ang halaga nito sa inyo. Pero sana ho huwag tayong makalimot na rumespeto sa pinagdadaanan ng iba.”

Samantala, nagkaroon pa kagabi ng part 2 ang block-and-report campaign ng KathNiel fandoms na sinuportahan uli ng nanay ni Daniel na si Karla Estrada.

Nag-post pa ang TV host-actress ng artcard tungkol sa magaganap na socmed event na may caption na, 

“Tuloy tuloy tayo mga momshie! Hindi lang ito para sa akin at saiyo. Ito ay para sa lahat, artista ka man o hindi.

“Balang araw wala ng mga negatibong tao na maghahari sa social media.

“Wala ng mambu bully, wala ng maninira ng puri ng kapwa at higit sa lahat wala ng masasaktan, mamamaliit at mamumura mula sa taong hindi mo man lang kaano-ano. 

“Darating ang araw na bubuksan mo ang social media mo ng wala nang pangamba na baka masira ang araw mo dahil may pambabastos na kumento tungkol sa pagkatao o opinyon mo. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Darating ang araw mananaig ang respeto sa pananaw ng bawat isa. MARAMING MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG FANDOMS NG KATHNIEL. 

“MARAMING MARAMING SALAMAT KATHNIEL SUPPORTERS! WE ARE MORE THAN PROUD SA INYONG SINIMULAN. MABUHAY KAYONG LAHAT! #WeBlockAsOne!” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending