Ivana Alawi: Mukha akong wild, pero wala akong video scandal! | Bandera

Ivana Alawi: Mukha akong wild, pero wala akong video scandal!

Ervin Santiago - May 16, 2020 - 10:03 AM

“NEVER, never, never!”

Yan ang paulit-ulit na paglilinaw ni Ivana Alawi sa nag-viral na video scandal kung saan makikita ang isang babae na kamukhang-kamukha niya.

Ayon sa sexy actress, sumusumpa siya na wala siyang ginawang mahalay o malaswang video sa buong buhay niya kaya fake o edited daw ang napapanood ngayon ng netizens sa social media.

Sa bagong video na ipinost niya sa YouTube, sinagot ni Ivana ang issue dahil pati ang nanay niyang si Fatima Merbella ay nakakatanggap na rin ng mga text message about it.

“Kahit mukha akong ganito, never kong gagawin yun. Nag-viral siya, actually. Nakikita ko siya sa social media, pero dinededma ko siya.

“Kasi, unang-una, hindi naman ako yun, e. And sa mga taong nakakakilala talaga sa akin, alam nilang hindi ako yun.

“Pero ang dami kasing nagmi-message sa nanay ko na nakita daw nila yun, so gusto ko din siya i-address once and for all. Hindi ako yung nasa video na yun,” lahad ng dalaga.

Patuloy pa niya, “In-edit nila yun, and nakakatakot actually ang nagagawa nila sa internet, e.

“Alam kong mukha akong wild, yung walang pakialam, liberated, proud ako dito, a. You will never ever see a scandal of mine on internet.

“Unang-una, wala akong makukuha doon pag nag-video ako o nag-picture ako nang nakahubad. Bakit?

“Never ko siyang naisip na gawin ever in my life, tapos ise-send mo sa mga lalaki. Wala akong makukuha dun.

“Ang dami ngang nanghihingi sa akin dati, mga ex ko, ‘Send sexy pic and dirty pic.’ Never, never. Suwerte niyo naman,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pag ginagawa mo yun, I have nothing against you, but I’m just saying that for myself,” depensa pa ni Ivana.

Inamin din niya na kontra talaga ang nanay niya sa kanyang pagpapa-sexy, “But she accepted me because mahal niya ako.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending