Rice importation ng DA pinatitigil, patapusin muna ang anihan | Bandera

Rice importation ng DA pinatitigil, patapusin muna ang anihan

Leifbilly Begas - May 15, 2020 - 02:11 PM

farm

HINILING ni House Deputy Speaker Mikee Romero sa Department of Agriculture na suspendihin ang plano nitong pag-aangkat ng bigas at tapusin muna ang anihan.

“Though harvest peaked late last month until early this month, many farmers are still harvesting their dry season palay crop. Let’s wait for them to finish in about two weeks before finalizing any rice importation agreement,” ani 1Pacman Rep. Romero.

Sinabi ni Romero na ang mga anunsyo ng DA na mag-aangkat ng bigas ang gobyerno ay nagpapababa sa presyo ng palay na ikinalulugi ng mga lokal na magsasaka.

““We all know that traders are monitoring rice prices, on which they base their buying price for the farmers’ palay produce,” dagdag pa ni Romero.

Ang presyo ng palay ngayon ay nasa average na P19.91 kada kilo malayo sa presyo noong nakaraang taon na bumaba sa P9/kilo.

“We are happy for them. They are getting fairly reasonable prices for their palay, unlike last year when they lost money due to low prices.”

Ayon kay Romero kung bababa nanaman ang presyo ng palay ay marami nanamang magsasaka ang mag-iisip na huwag nang magtanim muli dahil nalulugi lamang sila.

Inanunsyo ng DA ang pag-aangkat ng gobyerno ng 300,000 metriko tonelada ng bigas sa pamamagitan ng Philippine International Trading Corp., na nakikipagnegosasyon na sa Vietnam.

Dapat din umanong tiyakin ng DA na makararating sa mga magsasaka ang P5,000 tulong pinansyal ng gobyerno sa ilalim ng Social Amelioration Program.

Sa ulat noong Mayo 5, sinabi ng DA na 415,000 magsasaka na ang nakatanggap ng tulong at 185,000 pa ang hindi nakatatanggap ng tulong.

Ayon sa DA may P3 bilyong pondo na inilipat ng DA sa mga government financial institutions.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“This means that the aid delivery problem lies with the authorized bank-distributors. I am urging Land Bank and other accredited conduits to speed up the distribution of financial assistance to our farmers,” saad ni Romero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending