Ara Mina nag-donate ng isang truck ng bigas sa Rizal, Laguna, Pampanga | Bandera

Ara Mina nag-donate ng isang truck ng bigas sa Rizal, Laguna, Pampanga

Ervin Santiago - May 14, 2020 - 07:34 PM

SIGURADONG tameme at nganga ang mga bashers ng aktres na si Ara Mina. 

Kalat na ngayon sa social media ang bonggang donasyon ng kapatid ni Cristine Reyes para sa mga pamilyang Pinoy na nawalan ng trabaho nang dahil sa lockdown.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ni Ara ang isang mahabang truck na punumpuno ng saku-sakong bigas na ipamimigay sa iba’t ibang probinsya at siyudad na apektado pa rin ng COVID-19 pandemic.

Nagpasalamat si Ara sa lahat ng mga taong tumulong at nag-donate sa kanilang fundraising project para mas marami pang mabigyan ng ayuda ngayong panahon ng health crisis. 

“On the 4TH week of ECQ our #TEAMDARVE donated a truckload of rice to those severely affected by the pandemic in the province of LAGUNA, QC, RIZAL, CALOOCAN and ANGELES, PAMPANGA,” caption ni Ara sa kanyang IG post.

 “Ang munting tulong na ito ng aming #TEAMDARVE ay sana malayo ang marating.

“Salamat sa lahat ng LGU’S at volunteers na tumulong sa pamamahagi ng aming nakayanan.

“Kaya natin ito! Tulong-tulong tayo!” dagdag na mensahe pa ng aktres.

Kamakailan ay nabiktima rin ng pambu-bully sa social media si Ara matapos siyang mag-donate ng makeup para sa frontliners. Pero nilinaw naman agad ng aktres na dagdag lamang ang mga ito sa relief goods na ipinamigay nila.

Gusto lang daw niyang mapasaya ang mga female frontliners na patuloy na nagbubuwis ng buhay sa paglaban sa COVID-19. “Wag po tayo nega agad,” sabi pa ni Ara.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending