Alden init na init, naghubad sa IG; ECQ tandem ng DongYan pak na pak | Bandera

Alden init na init, naghubad sa IG; ECQ tandem ng DongYan pak na pak

Jun Nardo |May 14,2020
facebook
share this

Alden init na init, naghubad sa IG; ECQ tandem ng DongYan pak na pak

Jun Nardo - May 14, 2020 - 11:18 AM

MUKHANG init na init na rin ang Pambansang Bae na si Alden Richards habang nasa loob ng kanilang bahay sa Laguna.

Nagpiyesta ang kanyang mga fans and followers sa Instagram nang mag-post siya ng ilang litrato habang naghuhubad.

Ang agang nanukso ni Alden dahil nga sa series of black and white photos niya sa IG, makikita na unti-unti niyang hinuhubad ang kanyang t-shirt habang nakatanaw sa labas ng kanilang bahay.

  Nataranta siyempre ang IG followers ng Asia’s Multimedia Star kaya naman puro fire emojis ang nai-comment nila sa “hot na hot” photo ng binata.

         * * *                             

Sa public service announcement ng Department of Health at Film Development Council of the Philippines kaugnay ng impormasyon tungkol sa COVID-19, tampok ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. 

Lahad ni Dingdong sa panayam ng 24 Oras, “Kinontak ako ni Liza Diño ng FDCP as well ni Pepe Diokno ‘yung naging direktor ng infomercial. Ito para talaga sa telebisyon. 

“Ipinakikita ‘yung pinaka-basics, kung ano ‘yung mga dapat gawin para malimitahan ‘yung risks of having COVID-19.

“‘Yung mga simpleng bagay na gano’n na siguro dati ay tine-take natin for granted ay napakahalaga talaga para makasalba tayo ng buhay,” ani Dong.

Dagdag na kuwento ng Descendants of the Sun lead actor, katulong raw niya sa pag-shoot ng clip ang asawang si Marian Rivera, “Siya ‘yung nag-click ng camera. Ang galing nga e, kasi parang ang ganda nu’ng tandem namin pagdating sa ganu’n. Ang dali niyang matuto pagdating sa camera.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending