Gabby enjoy sa buhay promdi; Bubble Gang babes naglaglagan | Bandera

Gabby enjoy sa buhay promdi; Bubble Gang babes naglaglagan

Jun Nardo |May 13,2020
facebook
share this

Gabby enjoy sa buhay promdi; Bubble Gang babes naglaglagan

Jun Nardo - May 13, 2020 - 11:39 AM

NAKAHANAP ng maraming paglilibangan ang veteran Kapuso actor na si Gabby Concepcion habang naka-quarantine sa kanyang resthouse sa Lobo, Batangas. 

Matapos ipasilip sa kanyang followers ang kanyang mga tanim na gulay at puno sa farmhouse, ipinakita naman ni Gabby sa kanyang latest vlog ang iba pa niyang pinagkakaabalahan habang may lockdown.

Ayon sa aktor, enjoy na enjoy din siya sa pangingisda at paglalagay ng graba sa kanilang kalsada. Ilang bahagi rin ng kanyang resthouse ang kanyang inayos.

Ilan lang yan sa mga pamatay oras ng aktor simula nang mamalagi siya sa Batangas noong magsimula ang COVID-19 pandemic at “ma-house arrest” sa probinsiya.

Sinisiguro ng aktor na marami siyang pinagkakaabalahan at ginagawa kahit malayo sa kanyang pamilya at mga kaibigan. 

Samantala, bibida si Gabby sa upcoming GMA series na “First Yaya” katambal ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. 

* * *

Tila pansamantalang nakalimutan ng netizens ang problemang dulot ng COVID-19 pandemic matapos ang nakaaaliw na video conference ng Bubble Gang babes na sina Valeen Montenegro, Chariz Solomon, Arra San Agustiin, Faye Lorenzo, Lovely Abella, at Kim Domingo.

Nangyari ito sa pinakabagong YouTube channel ng GMA Network na YouLOL. Nakakaaliw at nakakatanggal stress ang usapan ng BG babes na mostly ay tungkol sa kanilang mga opinyon sa dating, courting, at relationship. 

Bumuhos ang pasasalamat sa nakakaaliw na pa-live chat ng Bubble Gang babes mula sa netizens na paniguradong bored sa kani-kanilang bahay o di kaya’y lugmok sa mga problema bunsod ng kinakaharap na krisis, “YouLOL salamat po sa live chat, kahit naka-lockdown napapasaya nyo pa rin ang mga tao.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending