Senado inaprubahan ang resolusyon na nananawagan sa NTC ikonsidera ang CDO vs ABS-CBN
INAPRUBAHAN ng Senado ang isang resolusyon na nananawagan sa National Telecommunications Commission(NTC) na irekonsidera ang cease and desist order laban sa ABS-CBN.
Kabilang sa mga lumagda pabor sa Senate Resolution 395 ay sina Senate Pro Tempore Ralph Recto, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate Minority Leader Franklin Drilon, at mga senador na sina Risa Hontiveros, Sonny Angara, Nancy Binay, Sherwin Gatchalian, Lito Lapid, Manny Pacquiao, Francis Pangilinan, Joel Villanueva at Leila de Lima.
Walang bumoto laban sa resolusyong bagamat nag-abstain si Senate President Vicente Sotto III, at mga senador na sina Panfilo Lacson, Francis Tolentino, Cynthia Villar, Imee Marcos, Ronald “Bato” dela Rosa, Bong Go, Bong Revilla at Pia Cayetano.
Paliwanag ng mga nag-abstain sa resolusyon, nasa Korte Suprema na ang usapin at dapat na ipaubaya doon ang isyu matapos dumulog ang ABS-CBN.
Sinabi naman Gordon na bumoto ng pabor, na dapat ay lagi silang manindigan sa anumang isyu sa Senado.
Para naman kay Pangilinan, lagi namang nag-aapruba ang Senado ng mga resolusyon tungkol sa mahahalagang usapin tulad ng executive 464 o tumitindig sila kahit na ang mga isyung ito ay nasa Korte Suprema na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.