Frontliners sa food production kailangan ng tulong para mapakain ang bansa | Bandera

Frontliners sa food production kailangan ng tulong para mapakain ang bansa

- May 11, 2020 - 09:06 PM

BUKOD sa pagsuporta sa mga health frontliners, kailangan din umanong tulungan ng gobyerno ang mga frontliner sa food production.

Ayon kay House Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman kailangan ng suporta ng agriculture at agribusiness sector upang mapakain ang bansa.

“Hindi naman lingid sa ating kaalaman na naapektuhan ng virus na ito ang lahat ng aspeto sa ating buhay, kasama na ang produksyon ng pagkain. At meron ding mga agam-agam na mauubusan tayo ng supply ng pagkain kapag nagpatuloy pa ng matagal ang epidemyang ito,” ani Hataman.

Kung mayroon umanong panawagang ‘test, test test’ laban sa COVID-19, dapat ay sabayan ito ng ‘grow, grow, grow’ sa agricultural sector.

“The government should therefore resume, with a new sense of urgency, the repair and construction of rural infrastructure like irrigation and support to farmers and farm producers, which are needed to boost food production. Kaya mainam na siguruhin natin na tayo ay may maihahain sa ating mga hapag-kainan sa mga susunod na buwan at taon.”

Sinabi ni Hataman na ang pagpapalakas ng sektor ng agrikultura ay ang tamang hakbang para magkaroon ng food security at self-sufficiency ang bansa.

May mga bansa na nagpatupad ng restriction sa pagbebenta ng pagkain sa ibang bansa sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

“And with countries we’re getting our food from imposing export bans, then we have to start relying on ourselves. We need to be more independent when it comes to our food supply. At magagawa lang natin ito kung pagbubuhusan natin ng pondo ang mga bukid natin,” dagdag pa ni Hataman.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority, noong nakaraang taon ay mahigit 29 porsyento ng pagkain ng bansa ang imported, tumaas mula sa 22.67 porsyento noong 2017.

“Natutunan natin na sa isang pandemic, isa sa mga malalaking problema ng mga tao ay kung papaano sila kakain kung sasabihan mo sila na manatili sa kanilang mga bahay. Kaya mahalaga ang ating food resiliency sa mga ganitong pagkakataon,” ani Hataman na namigay ng food aid sa mahigit 4,000 Basileño na na-stranded sa Metro Manila ang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Agriculture is also our great fallback, employment-wise. These are the kinds of infrastructure we should concentrate on, for they build up our resilience against multiple disasters. And agriculture is one area that is not social distancing-sensitive,” dagdag pa ng solon.

“And because they are labor-intensive, it allows our daily-paid workers in the construction sector to get back to work, subject of course to health rules.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending