‘Sana binati nina Matteo at Sarah ng happy mother’s day si Mommy Divine’
ISA si Matteo Guidicelli sa mga nag-post ng litrato sa social media kasama ang kanyang ina kahapon, Mother’s Day.
“Dear Mama, Happy happy Mother’s Day! We love you so much! Thank you for being a Wonder mom! You make the impossible, possible!
“Thank you for the unconditional love and all the sacrifices you have done for all of us. WE LOVE YOU! Stay beautiful!”
That was Matteo’s sweet message sa kanyang mommy.
But, as reported by a website, marami ang nag-suggest na sana raw ay binati rin ni Matteo ang kanyang mother-in-law na si Mommy Divine, ina ng asawa niyang si Sarah Geronimo.
Maganda sanang gesture kung ginawa niya iyon, siguradong maraming matutuwa lalo na ang mga Popsters at baka kahit paano’y lumambot na ang puso ni Mommy Divine.
“Idol Matteo batiin mo din mama ng wife mo para magkasundo kayo.”
“Oo nga naman, batiin mo rin si Mommy Divine…siya pa rin naman ang mommy ni Sarah. Cheers! God bless.”
“Matt batiin mo naman yung mother in law mo para maging maayos na kayo….ang sinumang nagpapakumbaba ay itataas ng Panginoon matt. Love you Matt and Sarah.”
Sa kanyang Instagram account naman, nag-post si Sarah ng artcard na may message na, “A mother’s love for her child is like nothing else in the world.”
Feeling ng kanyang followers, miss na miss na rin ni Sarah ang kanyang nanay pero wala pa siyang magawa dahil baka galit pa rin ito sa kanila ni Matteo.
Some of her IG followers believe na huwag siyang mag-alala dahil darating din ang tamang panahon at magkakaayos din sila ng kanyang pamilya at matatanggap na rin ng parents niya si Matteo.
“Don’t worry Sarah everything will be ok. Time will come na makakasama mo rin ang family mo esp si Mommy Divine. Mabait kang anak and you will be blessed. Just wait for God’s time. PS. Sana next Mother’s Day may baby na kayo ni Matt!” comment ng isang Popster.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.