Warning ni Daniel sa anti-ABS-CBN: Wag kayong mag-alala, hindi ako nakakalimot! 

By Ervin Santiago May 10,2020
share this

Warning ni Daniel sa anti-ABS-CBN: Wag kayong mag-alala, hindi ako nakakalimot! 

By Ervin Santiago May 10,2020 - 04:02 PM

DANIEL PADILLA

MAY banta si Daniel Padilla sa lahat ng mga kapamilya at kaibigan niya na nagsasaya ngayon dahil sa pagsasara ng ABS-CBN.

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang naging desisyon ng National Telecommunications Commission na ipatigil ang pagsahimpapawid ng mga programa ng Kapamilya Network.

Marami nang artista ng Dos ang naglabas ng kanilang sama ng loob sa pagpapasara sa network, kabilang na riyan sina Coco Martin, Kim Chiu, Judy Ann Santos, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo at iba pa.

Nitong nakaraang araw, maikli pero kumakagat naman ang naging pahayag ni Daniel laban sa mga bumabatikos sa kanyang mother network, lalo na ang mga nagpipiyesta pa sa nangyari.

“Sa mga kaibigan, kamag-anak at kakilala ko dito na ginagawang katatawanan ang nangyayari sa ngayon sa ABS-CBN, ‘wag kayong mag-alala dahil hindi ako nakakalimot,” ang mensaheng ipinost ni DJ.

Sinang-ayunan naman ito ng momshie ng aktor na si Karla Estrada at sinabing hindi natutulog ang Diyos.

 “Oo ako rin anak! Bilog ang mundo at lahat ay lumilipas. Nakikita ni LORD lahat ‘yan,” sey ni Karla.

Nauna rito, nag-post din ang TV host-actress sa Instagram ng kanyang saloobin tungkol sa issue ng ABS-CBN.

“Nakakakilabot.. nag bubunyi ang mga TAO na KINAIN na ng INGGIT at kawalan ng simpatya sa kapwa. 

“Sa gitna ng crisis ng Covid 19 tila lalo lang nalugmok ang karamihan. Pero hindi tayo dapat na mag alala dahil Walang Masamang Layunin na nag tatagumpay.

“Yakap para sayo na Tunay na nagmamahal sa BAYANG PILIPINAS,” sabi pa ni Karla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending