Kim na-wow mali, nag-sorry: Hindi ko rin naintindihan, pareho lang tayo! | Bandera

Kim na-wow mali, nag-sorry: Hindi ko rin naintindihan, pareho lang tayo!

Ervin Santiago - May 10, 2020 - 09:23 AM

KIM CHIU

HUMINGI ng paumanhin si Kim Chiu sa madlang pipol matapos ulanin ng batikos nang ikumpara niya sa “classroom rules” ang pagpapasara sa ABS-CBN.

Inamin ng dalaga na kahit siya ay hindi na-gets kung bakit niya nasabi at ginawang halimbawa ang mga batas sa loob ng silid-aralan sa cease and desist order na inilabas ng National Telecommunications Commission laban sa Kapamilya Network.

Humarap kamakailan si Kim sa Facebook Live chat kasama ang ilan pang artista ng ABS-CBN para sa isang online protest matapos ipatigil ang operasyon ng istasyon.

Sa isang bahagi nga ng live chat nasabi ni Kim na, “Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag nag-comply ka na bawal lumabas.

“Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo yung law ng classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas,” lahad ng aktres.

Dito na nagkomento ang mga nanonood sa FB Live at nagsabing hindi nila makita at maintindihan ang logic sa paliwanag ni Kim. At tulad ng inaasahan, na-bash nang bonggang-bongga ang dalaga at napasama pa sa local trending list ng Twitter Philippines.

Pero sa halip na magalit at gumanti sa mga bashers, nagpakumbaba na lang si Kim at humingi ng paumanhin.

“Maraming salamat sa lahat ng nakinig at umunawa sa amin kagabi. Thank you for choosing kindness, empathy and compassion! Maraming salamat po. Sinabi tungkol sa ‘classroom,’ nu’ng binasa ko, hindi ko din naintindihan. Pareho lang tayo!” aniya.

Bago ito, may ipinost din siyang mensahe para sa isang netizen na naguluhan din sa sinabi niya, “Parang pagpapasara lang ng ntc sa abs di maintindihan. Okay poSensya na! 

“Nadala lang ng bugso ng damdamin. Sa dami ng sinabi ko yun lang talaga ang napansin nyo? Kahit ano paman ang sabihin nyo OKAY LANG PO basta #LABANKAPAMILYA,” ani Kim.

Ipinagtanggol naman ni Coco Martin ang aktres laban sa mga haters, “Kim sobrang proud kami lahat sa ’yo sa tapang na pinakita mo! Hayaan muna sila, sila na matalino, sila na nakapag-aral.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mahirap maging matalino baka matuto pa tayo gumawa ng kawalangyaan gaya nila!!” reaksyon ng aktor na matapang ding nakikipaglaban ngayon sa mga taong nasa likod ng pagpapasara sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending