Bago mamatay…Babajie tinanggihan ng 3 ospital sa Pasay
WALA sigurong taong hindi nakakakilala kay Babajie, ang komedyanteng madalas ihalo sa mga crowd scene sa Bubble Gang.
Wala na sa mundo ng mga mortal ang malapit na kaibigan ni Diego Llorico na siyang nagdala sa kanya sa GMA 7.
Pumanaw si Babajie (who took his pet name not from Vivika Babajie of Mauritius kundi dahil sa matulis nitong baba) nitong May 5, 3:18 ng hapon.
Pneumonia ang nakitang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Allow us to share a bit of info about him, Alfredo Cornejo in real life.
Madalas kaming magkita noon ni Babajie sa GMA, palibhasa’y ang meeting namin tuwing Lunes ay siyang taping day ng Bubble Gang.
Taga-Pasay City rin siya tulad namin, na dumarayo sa aming barangay sa tuwing magho-host kami ng Ms. Gay. Mga tropa rin niya’y mga kilala ko rin.
Nitong April 30, we received a PM (personal message) from a gay friend who knew Babajie’s circle of gay friends na nagpapaabot ng condolence sa pamilya nito. Nag-send kami ng message kay Diego through Facebook hoping to confirm the news, pero hindi siya sumagot.
Mabuti na lang at nalaman naming buhay pa pala si Babajie, fighting for his dear life at the San Lazaro Hospital. Doon siya tinanggap, at hindi sa alinman sa tatlong ospital sa Pasay na pinuntahan nila na nataon pa ngang lockdown period.
Mismo ang ina’t kapatid nito resented the news, na hindi lang pala unang beses kumalat.
Anila, bigla na lang daw nilang napansing bumabagsak ang katawan nito. Too bad dahil nangyari pa ‘yon kung kailan may enhanced community quarantine, disin sana’y agad nilang naipa-check up ang kaanak.
But our concern now is about the three hospitals which refused him admission gayong may batas na nagbabawal sa mga pagamutang tumanggi sa mga pasyente unless otherwise may matinding dahilan for such refusal.
Hindi namin maimadyin ang hirap ng pamilya na makarating sa San Lazaro sa Maynila gamit ang barangay patrol mula sa paglilibot ng tatlong ospital sa Pasay na hindi naman malapit ang distansya sa isa’t isa.
Anyway, rest in peace, Babajie. Minsan ay pinasaya mo ang mga bagets na tambay rito sa amin habang isinisigaw ang pangalan mo.
* * *
Kung inaasahan mong sasaklolohan ka ng Google to validate kung totoo nga bang nagkaroon ng international title ang isang female singer (FS), you’ll only end up disappointed.
Maging kami ay nagulat nang malamang even before she made a name here ay kumanta na siya sa isang bansa sa Asya, a four-hour flight from Manila.
This isn’t the catch though dahil bagito pa lang ay siya na rin ang publisista ng kanyang sarili. She called herself the “Superstar of Thailand,” ano’ng panama ng mga sikat na Thai celebrities doon?
Buti pa nga si Christian Bautista, talagang sumikat sa Indonesia pero si FS at tanghaling Superstar pa mandin?
Marahil, inakala niya na ang Pilipinas at Thailand ay “iisang dagat.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.