Kim sa trolls: Minumura kami, inaapak-apakan…ikinayaman n’yo ba yan?!
MATAPANG na ipinagtanggol ni Kim Chiu ang ABS-CBN laban sa mga akusasyon ng Federation of International Cable TV Association of the Philippines (FICTAP).
Sa mga hindi pa nakakaalam, ang FICTAP ay isang non-profit organization na may 1,000 small and medium cable operators sa bansa.
Hot issue ngayon ang interview kay FICTAP President Neng Juliano Tamano ni Jessica Soho sa 24 Oras kamakailan kung saan inakusahan nga nito ang ABS-CBN na inabuso umano ang “one franchise, one channel” na ibinigay sa kanila ng gobyerno.
“Ginamit nila ang airwaves ng ABS-CBN na maraming channel, at naningil sila sa taong bayan na hindi sila dapat. Ang ABS-CBN, kapag gumamit ka ng airwaves, that is free to air. Hindi sila puwede maningil sa taong bayan,” ani Tamano na ang tinutukoy ay ang TV Plus (KBO) na pag-aari ng Kapamilya Network.
Isa si Kim sa mga artista ng ABS-CBN na agad dumepensa kontra sa mga sinabi ni Tamano. Nag-post ang dalaga ng ilang art cards sa Instagram para ibandera ang katotohanang walang nilalabas na batas ang Dos.
Caption na Kim, “𝘼𝙔𝘼𝙉! 𝙏𝘼𝙂𝘼𝙇𝙊𝙂 𝘼𝙏 𝙀𝙉𝙂𝙇𝙄𝙎𝙃 𝙉𝘼 𝙋𝙊 𝙔𝘼𝙉! 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙈𝘼𝙎𝙈𝘼𝙄𝙉𝙏𝙄𝙉𝘿𝙄𝙃𝘼𝙉 𝙉𝙔𝗢! Hindi na sapat ang manahimik lang sa situwasyon ngayon.
“Lalo na’t puno ng trolls, tards, bashers at kung ano man ang tawag sa kanila. Sa mga taong nagtatago sa likod ng sampu, benteng account!
“Para lang murahin kami! Pagsalitaan ng masama! Apak apakan!!!ikinayaman nyo ba yan?!!! Ang sabihan kami ng masasamang salita?!!!! Oo hindi ako graduate ng LAW.
“Pero nagsikap ako para marating kung nasaan ako ngayon DAHIL YUN SA KUMPANYANG ITO NA HANDANG TUMULONG SA BAWAT PILIPINO!!! nakilala nyo kami dahil napanood nyo kami sa ABSCBN!
“Hindi na kami dapat matakot sa inyo!!!Kailangan na natin magsalita at Ipaglaban ang tahanang nagbigay sa atin ng inspirasyon, ng ngiti sa labi at lumalaban ako ngayon dahil ito ang tahanang naglagay sa akin sa kung nasaan man ako ngayon.
“Malaki ang utang na loob ko sa ABSCBN. #hindikamitatahimik #lalabanparasakatotohanan #notoabscbnshutdown,” pahayag pa ni Kim.
Hirit pa niya, “Sana ay tulungan nyo rin po kami MGA KAPAMILYA. #NotoAbsCbnShutdown SA LAHAT NG BUMUBUO NG NTC, kay solgen calida at sa lahat ng may tao sa likod ng cease and desist order sana po ay IBALIK NINYO ANG KARAPATAN NG ABSCBN SA MALAYANG PAMAMAHAYAG.”
Samantala, tinawag ding fake news ni Karen Davila ang mga akusasyon ng FICTAP. Ipinost din ng news anchor ng ABS-CBN ang mga quote cards na ibinahagi ni Kim sa IG at ng iba pang Kapamilya stars.
Caption ni Karen, “Ano po ba katotohanan sa mga akusasyon ng FICTAP laban sa ABSCBN? Basahin po.”
Dito mababasa na iisa lang ang ginagamit na frequency ng Dos at may kakayahan daw itong magdala ng higit sa isang channel.
“No need to apply separate franchises as ABS-CBN is using only one frequency. Thanks to technology, it’s no longer one channel per frequency.
“FICTAP’s issue is that ABS-CBN provides free channels to the public, making broadcast TV competitive versus cable TV.”
“The more channels you can deliver over that frequency, the better for the consumer,” ayon pa sa isang quote card na ipinost ni Karen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.