Coco nagpasalamat kay Pacman sa 'suporta' sa ABS-CBN | Bandera

Coco nagpasalamat kay Pacman sa ‘suporta’ sa ABS-CBN

- May 07, 2020 - 01:39 PM

ISA si Sen. Manny Pacquiao sa mga personalidad na pinasalamatan ng aktor na si Coco Martin dahil sa pagkontra ng mga ito sa pagpapatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) sa pagbo-broadcast ng ABS-CBN.

Sa sunod-sunod na post sa Instagram ngayong araw, sinegundahan ni Coco  ang sinabi ng “‘Pambansang Kamao” na walang masama kung bibigyan ng NTC ng provisional authority ang ABS-CBN para muling mag-broadcast.

“Maraming salamat Sen. Manny Pacquiao! Very well said. Tama po kayo maraming taong napagkaitan, na sana nabibigyan at nahahatiran ng ABS-CBN ng tulong ngayon ‘yung mga taong gutom na gutom sa mga oras na ito. Nakakatulong sana kami sa gobyerno ngayon! Nakakapagbahagi sana ngayon ng pagkain at donasyon sa maraming Pilipino. At makakapaghatid ng balita sa kung anong mga nangyayari sa bansa,” ani Coco sa kanyang post.

“Mas marami pa sanang kaming matutulungan, kaya lang ayaw po ng NTC, kaya pinasarado po ang ABS-CBN. ‘Wag po kayong mag-alala pilit pa rin tumutulong ang ABS-CBN sa abot ng makakaya nito. Sana ‘yung mga hindi maabot ng tulong namin ay matulungan ng mga trolls at bashers namin!” dagdag niya.

“Yung mga tuwang-tuwa dyan ngayon na sarado na ang ABS-CBN, baka pati kayo walang pagkain kaya ang haba ng oras niyo bantayan ang ginagawa namin. Hayaan niyo at padadalhan na rin po namin kayo ng tulong para hindi po kayo mapagod magbanat ng buto para may makain kayo, nakakahiya naman po sa inyo e ang pinagkakakitaan nyo ngayon ay ang manira ng kapwa,” ani pa Coco.

Bumanat din siya sa mga natutuwa sa pagsasara ng istasyon

“At tutal, wala na kaming ipapalabas, wala nang mapapanuod ang mga supporters at tagahanga namin, kayong mga trolls at bashers namin ang manunuod sa amin! Bantayan ninyo ang bawat kilos at galaw namin at sisiguraduhin po namin na paliligayahin namin kayo sa mga mababasa at maririnig ninyo sa amin! Wag nang magtangka magkomento mapapagod ka lang hindi ako ga’no marunong magbasa,” aniya.

 

https://www.instagram.com/p/B_3wGHspVwZ/?igshid=130m5n3ksx3wt

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending