Sharon sa pagpapasara sa ABS-CBN: Hindi ko matanggap, ang sakit!
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Megastar Sharon Cuneta na nagsarado na ang ABS-CBN na naging tahanan niya sa loob ng 30 taon.
Bumuhos ang luha ni Sharon nang maglabas ng sama ng loob matapos maglabas ng kautusan ang National Telecommunications Commission para sa pagpapatigil ng operasyon ng Kapamilya Network.
Sa kanyang Instagram Live ibinahagi ni Mega ang kanyang saloobin, “My heart is breaking,” himutok ni Sharon. Thirty years na ako sa ABS-CBN. It’s my home.
“Can you imagine our country without ABS-CBN? I cannot,” simulang pahayag ni Mega.
“There are tens and thousands of employees who are gonna lose their jobs. And I cannot take that.
“There’s so much going on na, there is COVID thing, this virus… parang wrong timing. Kasi ang daming natutulungan ng Kapamilya.
“Tapos yung staff namin mismo at crew, sila yung mawawalan ng trabaho,” ang lumuluhang pahayag ni Sharon.
Pero habang umiiyak, nakapagbiro pa si Mega sa harap ng kanyang followers, “Ako, okay lang. Alam n’yo naman, ng lahat, milyonarya na ako. Okay lang… pero sila, ang sakit. Na-shock lang din kami kasi biglaan.”
Pagpapatuloy pa ni Sharon, “Okay na kaming mga artista, yung staff and crew lang ang inaalala namin, kasi hirap na nga ngayon dahil sa health crisis na ito.
“Bakit naman damay pa yung trabaho, di ba?” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.