Wala munang rivalry: Apple, Google join forces para gumawa ng coronavirus contact-tracing software
ISINANTABI pansamantala ng Google at Apple ang kanilang rivalry para magsanib pwersa at makagawa ng safety tools para sa publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Inanusyo ng dalawang multinational technology company giants nitong Abril na magtutulong sila upang makagawa ng coronavirus contact-tracing software sa phone operating systems. Sa pamamagitan nito, malalaman ng users kung may nakasalamuha silang positibo sa sakit.
Idinesnyo ang teknolohiya na gumagamit ng bluetooth para ilagay sa mga apps mula sa public health authorities.
“[It] will be responsible for verifying and logging people’s COVID-19 status.” ayon sa Business Insider.
Ang bawat device ay malalagyan ng “diagnosis key” kung saan maia-update ng health officials ang coronavirus status ng mga pasyente. Maaari namang hindi i-share ng users ang impormasyon.
Magbibigay rin ang app ng karagdagang impormasyon sa phone owners tungkol sa exposure gaya ng petsa kung kailan sila napalapit sa taong infected, verification ng diagnosis at payo kung ano ang susunod na gagawing hakbang para mapangalagaan ang sarili.
Inaasahan na sa mga huling bahagi ng Mayo ilulunsad ng Apple at Google ang software sa kanilang smartphone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.