Angel walang tigil sa pag-iyak; mga anti-ABS-CBN niresbakan
WALANG tigil ang pag-iyak ni Angel Locsin dahil sa matinding lungkot at sama ng loob matapos ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN kagabi.
Ayon mismo sa kanyang fiancé na si Neil Arce, talagang apektado ang aktres sa pagpapasara sa Kapamilya Network base sa inilabas na cease and desist order ng National Telecommunications Commission.
Nag-post ang film producer ng litrato ni Angel na nakahiga sa kama at ibinalita nga na talagang wasak ang emosyon ngayon ng kanyang future wife.
“Breaks my heart seeing her like this. Angel didn’t renew her contract. So technically she did not lose her job.
“She’s been crying non-stop since she saw the News online because she knows 11,000 people lost their jobs,” caption ni Neil.
Dugtong pa niya, “We’ve been under ECQ for two months now trying to save lives. Wala pang 10,000 ang may covid dito pero ngayon 11,000 na tao ang mawawalan ng trabaho at milyon-milyong na Pilipino ang hindi makakatanggap ng quick information and konting kaligayahan sa mga panahon na ito.”
Nagpahayag din si Neil ng matinding galit sa naging desisyon ng mga otoridad sa pagpapasara sa ABS-CBN, “NTC, you are evil. How dare you take away 11,000 jobs? We will remember this.”
Samantala, nauna rito, nagpahayag din ng galit si Angel sa mga taong nagdiriwang pa sa paghinto ng operasyon ng Kapamilya network.
“Sa lahat ng nagmamagaling at nagsasabi na ‘buti nga nagsara ang ABS’, sana masarap ang tulog ninyo ngayon gabi at nakapagbayad na ng bills.
“Sana rin masarap rin ang mga napamalengke ninyo na ipapakain sa inyong pamilya. Sana walang magkasakit na kailangan ipagamot at gastusan,” sabi ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.