Willie kay Vico Sotto: Ang galing mo, saludo kami sa 'yo! | Bandera

Willie kay Vico Sotto: Ang galing mo, saludo kami sa ‘yo!

Ervin Santiago - May 04, 2020 - 08:58 PM

WALANG halong politika ang pagpuri at pagpapakita ng paghanga ni Willie Revillame kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Bago pa nga siya ma-bash o manega ng mga netizens, agad nang nilinaw ng TV host-comedian na isang pamumulitika ang pagsaludo niya sa batang alkalde.

Sa nakaraang live episode ng Wowowin, puring-puri ni Willie ang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes hindi lang bilang public servant kundi pati na rin bilang anak.

Aniya, mahusay ang pagpapalaki nina Bossing at Coney sa binata.

Pahayag ng comedian kay Vico, “Napakasimple. God-fearing kasi ‘yun at saka kay Tita Coney, ang ganda ng pagpapalaki. Napakasimpleng tao. Kung magsalita malumanay.”

Pagpapatuloy pa niya, “Mayor Vico Sotto, saludo kami sa ‘yo. You’re a good example sa kabataan, sa aming lahat. 

“Kaya ang Pasig, tingnan mo, wala kang madidinig na may reklamo, wala kang madidinig na ganito kasi nakikita mo, laging nasa labas. Mayor Vico Sotto, ang galing mo,” dugtong pa ng Wowowin host.

At paglilinaw nga ni Willie hindi pamumulitika ang pagpuri niya kay Vico, naniniwala siya na dapat lang kilalanin ang husay na mga taong naglilingkod sa publiko lalo na ngayong may COVID-19 crisis.

Kung matatandaan, ilang opisyal ng gobyerno na rin ang umapir sa Wowowin tulad nina Cabinet Secretary Karlo Nograles, Manila Mayor Isko Moreno at Sen. Manny Pacquiao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending