86K OFWs natulungan ng AKAP | Bandera

86K OFWs natulungan ng AKAP

Leifbilly Begas - May 03, 2020 - 11:43 AM

HALOS 86,000 overseas Filipino workers na apektado ng coronavirus disease 2019 pandemic ang natulungan na ang Department of Labor and Employment.

Ayon sa DOLE umabot sa 336,809 request ang naipadala na sa mga tanggapan ng Philippine Overseas Labor Offices (POLOs) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) hanggang noong Biyernes.

Sa naturang bilang 85,849 OFW na ang nabigyan ng one-time $200 cash assistance.

Mahigit kalahati na ito ng target na 150,000 OFW na matutulungan sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program na may P1.5 bilyong pondo.

Ang DOLE ay nakapagbigay na ng P482.9 milyong tulong sa 47,239 OFW.

Ang POLO naman ang nagbigay sa 26,500 OFW ng halagang P275.6 milyon)

At 31,247 repatriated workers o balik-manggagawa ang natulungan ng OWWA ng halagang P207.3 milyon.

Bukod sa mga OFW na natanggal sa trabaho dahil sa COVID-19, tinutulungan din ng DOLE ang mga OFW na “no work, no pay”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending