SIYAM katao, kabilang ang ilang bata, ang pinagdadampot sa Brgy. Tangke, Talisay City dahil sa pagsali at panonood ng boksing sa dalampasigan na paglabag sa enhanced community quarantine (ECQ).
Ani Mayor Gerald Anthony Gullas, mananagot ang mga organizer ng nasabing paboksing.
“Kanang nag boxing sa Tangke gipapangita na nako ni cla. Pag abot sa police Wala nay taw. Na timbrehan na. The police will find the organizer and the people na nag boxing. You will face the consequences,” ani Gullas sa kanyang Facebook.
“It’s very disappointing that these people do not understand the gravity of the situation. Silingan bya mo sa San Roque,” dagdag niya.
Mayroong dalawang kaso ng Covid-19 sa Talisay.
Bago iyon ay kumalat online ang live video ng boksing sa Sitio Kilawan sa Brgy. Tangke kaya agad ipinag-utos ni Gullas ang pagdakip sa mga kasali sa boxing match. –CDN
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.