Pagbe-bake ni Ai Ai nang walang face mask kinuwestiyon ng netizens
KINUWESTIYON ng ilang netizens ang pagpe-prepare ni Ai Ai delas Alas ng pagkain nang walang suot na face mask.
May isang litrato kasi ang Comedy Queen sa Instagram kung saan makikita siyang gumagawa ng pastries.
Sa inilagay niyang caption dito, nagpasalamat si Ai Ai sa Diyos dahil nananatiling healthy ang kanyang pamilya sa gitna ng banta ng COVID-19 sa bansa.
Mensahe ng Kapuso TV host-comedienne, “Good morning … para sa aming maagang customers magandang umaga at salamat.
“And Lord thank you sa araw na ito .. walang kaming sakit at malakas ang aming pangangatawan amen [praying hands emoji]. TO GOD BE THE GLORY!”
Maraming netizens ang nakapansin sa IG post ng komedyana na wala itong suot na face mask habang inihahanda ang ginawa niyang cupcakes.
Ayon sa mga followers ni Ai Ai, hindi raw magandang tingnan ang isang taong nagluluto o nagbe-bake para sa ibang tao o customer nang walang hair net at face mask.
Ikinumpara pa ng isang netizen si Ai Ai kay Judy Ann Santos na palaging may face mask kapag nagluluto at nagse-serve ng pagkain para sa mga naapektuhan ng COVID-19 crisis at frontliners.
Hindi naman ito pinalampas ng Kapuso comedienne, aniya na-bake na niya ang mga cupcakes, “Nag lagay lang ako ng leche flan gawa na yan chill lang kayo.”
Aniya pa, wala pang isang minuto ang paglalagay ng leche flan sa ibabaw ng mga cupcakes.
“Wala pang one minute mag lagay ng leche flan sa ibabaw…chill lang kayo.
“Ang mag mask pag lalabas kayo kung may quarantine pass kayo.”
In fairness naman kay Ai Ai, makikita sa iba pa niyang video at photo sa Instagram na evertime nagluluto siya ay talagang nakasuot siya ng face mask pati na ang mga tumutulong sa kanya sa pagpe-prepare, including her husband.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.