Alden bilang quarantine alay: Pantay-pantay tayo, walang palakasan | Bandera

Alden bilang quarantine alay: Pantay-pantay tayo, walang palakasan

Ervin Santiago - May 01, 2020 - 09:23 AM

NAPATUNAYAN ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na sa panahon ng krisis, pantay-pantay lang ang lahat ng tao.

Isa ito sa mga realization ng Kapuso Drama Prince makalipas ang mahigit isang buwan nang enhanced community quarantime sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa nakaraang Instagram Live session ni Alden kung saan nakipagchikahan siya nang bonggang-bongga sa kanyang fans at IG followers, naikuwento nga niya ang takbo ng kanilang buhay sa Laguna habang may lockdown.

Ayon sa Pambansang Bae, siya ang nagsisilbing “alay” ng kanyang pamilya ngayong may ECQ, “I do the grocery sa bahay. Ako yung lumalabas, ako yung runner.”

Ginagawa naman daw ni Alden ang lahat para masigurong hindi siya mahahawa ng killer virus sa paglabas-labas niya para mamili ng supplies.

 “Siyempre, after doing the groceries, sasalubungin na ako ni Ate Virgie, tapos sa garage ako nagpapalit ng damit.

“Kasi, I can’t risk the welfare and yung health situation ng lolo’t lola ko na kasama ko dito sa bahay. So, hindi ko talaga kaya silang magkasakit, especially now, medyo malala yung pandemic,” ang pahayag ni Alden.

Sabi pa ng binata, medyo marami-rami sila sa bahay kaya dapat talagang triple ang pag-iingat. Bukod sa tatay at bunsong kapatid, nasa bahay din nila ang kanyang lolo’t lola pati ang tatlo nilang kasambahay.

“Hindi na namin sila pinauwi kasi pinagbawalan na kami ng homeowners na lumabas. So, no one can go out, no one can go in.

“’Tapos yung runner lang ang puwedeng lumabas, you just have to show the quarantine pass. And then, kailangan bumalik before 6 p.m., kasi may lockdown,” aniya pa.

Istrikto ring ipinatutupad ang  curfew sa kanilang lugar kaya dapat talagang nakabalik na sa kani-kanilang bahay ang mga nasa labas.

“Hindi na kami papapasukin, walang palakasan. Parang regardless of who you are, what you have, sa matter ng life and death, pantay-pantay tayo, everyone is equal.

“So siguro, malaking eye-opener sa akin talaga, especially parang ang daming puwedeng mawala. We have to be selfless, take care of each other.

“We just have to be good stewards of the Lord,” mensahe pa ni Alden.

Saludo naman si Alden sa aksiyong ginagawa ng kanilang mayor sa Sta. Rosa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa mga sumunod na mga pahayag ni Alden, mahihinuhang nakikipag-usap siya sa local government unit kaugnay ng mga hakbang na ginagawa sa kanilang bayan.

Isang netizen naman ang nagtanong kung mahigpit talagang ipinatutupad ang ECQ sa Sta. Rosa, Laguna, “Apparently, sobra po. Galing ako ng city hall kahapon at wala pong nagugutom dito sa Sta. Rosa so I’m really proud of it.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending