Lagot: Sinong aktor ang pinagseselosan ng British BF ni Lovi?
MARAMI ang kinilig sa tweet ni Kapuso star Lovi Poe tungkol sa nakakaaliw na conversation nila ng kanyang foreigner boyfriend na si Montgomery Blencowe.
Dahil sa extended enhanced community quarantine, nagkaroon pa ng mas maraming oras si Lovi na manood ng Korean dramas. Yes, nilamon na rin ng sistema pagdating sa K-Drama ang Kapuso star.
Ipinagsisigawan talaga ng dalaga ang kanyang latest obsession kay Korean actor Hyun Bin na pinagseselosan naman ng nobyo nitong si Monty.
Ayon sa ibinahaging nakakakilig na conversation ni Lovi, sinabihan siya ni Monty na tigilan na ang pagpo-post tungkol kay Hyun Bin, sagot naman ng aktres huwag na itong magselos dahil siya lang ang kanyang number 1.
Subalit sumagot ulit si Monty na ayaw niya ng number 1 lang dapat daw siya lang only one ng aktres.
Mapapansin sa mga nakaraang tweets ni Lovi ang kanyang pagkahumaling sa naturang Korean drama at lead actor.
“After watching ‘Crash Landing on You… ayoko nang manood ng ibang K-drama. I wanna stay loyal to Hyun Bin. Huwow! May relasyon?!” chika ni Lovi.
Maliban sa aktres, marami na ring Kapuso celebrities ang na-in love kay Hyun Bin at sa hit K-drama series tulad na lamang nina Yasmien Kurdi, Shaira Diaz, at Lilet Esteban.
Samantala, muling magbabalik-telebisyon si Lovi kasama ang Kapuso hunk actor na si Benjamin Alves sa pagbibidahan nilang romance-comedy serye na “Owe My Love” ng GMA Public Affairs.
* * *
Proud ang veteran Kapuso actress na si Jean Garcia sa debut single ng comedian at TV host na si Betong Sumaya.
Nagkatrabaho ang dalawa sa GMA primetime series na ‘The Gift’ at naging close sa isa’t isa. Ito ang latest milestone sa singing career ni Betong na last year lang ay nagkaroon ng sold-out concert.
Ang hugot song ni Betong na “Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko” ay mula sa GMA Music.
Sa Instagram story ng aktres, pinuri niya si Betong at sinabing bilib talaga siya sa talento nito. Available na sa Spotify, iTunes at Apple Music ang kanta na “Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko” ni Betong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.