Updated: 2 sugatan sa pagguho ng condo building | Bandera

Updated: 2 sugatan sa pagguho ng condo building

Leifbilly Begas |April 30,2020
facebook
share this

Updated: 2 sugatan sa pagguho ng condo building

Leifbilly Begas - April 30, 2020 - 08:53 PM

DALAWA ang sugatan nang bumagsak ang bahagi ng pader ng SM Jazz Residences tower D sa Makati City kaninang umaga.

Pero ayon sa SM Development Corp., walang malubhang nasugatan sa pangyayari.

“As of this posting, no serious casualties were reported,” saad ng SMDC.

Pinalikas naman ang mga nakatira sa condominium building habang nagsasagawa ng pagsusuri sa gusali.

Ayon sa SMDC nasira ang façade wall ng parking level dahilan upang gumuho ang outer slab na bumagsak sa driveway.

Nabagsakan ang dalawang van at isang SUV na nakaparada sa driveway.

Mayroong residente na nagsabi na nakarinig sila ng pagsabog kaya pumunta ang bomb squad sa lugar pero walang nakitang ebidensya ng pagsabog ang mga ito. Maaari umano na ang narinig ng mga residente ay ang pagbagsak ng tipak ng bato sa sasakyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending