Lara Quigaman buntis kay Baby No. 3; humiling ng dasal sa madlang pipol | Bandera

Lara Quigaman buntis kay Baby No. 3; humiling ng dasal sa madlang pipol

Ervin Santiago |April 30,2020
facebook
share this

Lara Quigaman buntis kay Baby No. 3; humiling ng dasal sa madlang pipol

Ervin Santiago - April 30, 2020 - 06:07 PM

BUNTIS sa pangatlo niyang anak ang beauty queen-actress na si Lara Quigaman.

Pero mabilis na nilinaw ni Lara na hindi nabuo ang third child nila ng asawang si Marco Alcaraz sa panahon ng enhanced community quarantine.

Ayon sa Miss International 2005, 18 weeks na ang kanyang ipinagbubuntis kaya nabuo ang baby bago pa ipatupad ang lockdown sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

May mga nagsasabi kasi na maraming mabubuntis ngayong panahon ng health crisis dahil nasa bahay lang ang halos lahat ng tao. 

Ang pagbubuntis ni Lara ay masayang ibinandera ni Marco sa first episode ng kanilang YouTube vlog ngayong araw.

Kasama pa nila sa pag-announce sa good news ang mga anak nilang sina Noah at Tobias.

“Ito na po ang aming special guest. 18 weeks na ako today.

kasi ako po na-surprise talaga ako nang bonggang bongga,” pahayag ni Lara sa kanilang video na may titulong “The Surprise”.

Ipinakita pa ng aktres ang kanyang baby bump sa kanilang followers. Ayon sa mag-asawa, isang “blessing” na naman ito para sa kanilang pamilya.

Pero kasabay nito, may kaunting kaba ring nararamdaman ang mag-asawa dahil nga sa kinakaharap na krisis ng bansa dahil sa killer virus. Nakiusap sina Lara at Marco na ipagdasal ang kanilang baby.

“Alam po namin na ang dami daming nangyayari na hindi maganda ngayon sa paligid natin pero this is something talaga na we are truly grateful for. 

“Kahit anong mangyari, we can always find something to thank God for,” pahayag ni Lara.

Sey naman ni Marco, “Humihingi rin kami ng prayers sa inyo kasi si Lara, hindi pa siya nakakapunta sa hospital lately dahil sa mga nangyayari.”

Inaasahan ang pagsilang ng ikatlong anak ng showbiz couple sa darating na September.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Lara at Marco sa isang civil wedding sa Canada noong 2010. Muli silang nagpakasal sa Tagaytay City noong July, 2012. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending