Ambulansya ginawang pang-deliver ng shabu; 4 tiklo | Bandera

Ambulansya ginawang pang-deliver ng shabu; 4 tiklo

|April 30,2020
facebook
share this

Ambulansya ginawang pang-deliver ng shabu; 4 tiklo

- April 30, 2020 - 05:46 PM

ARESTADO ang apat katao, na ginawang pang-deliver ng droga ang ambulansya, sa buy bust operation sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang mga nadakip na sina Oliver Dalena, 44; Ericson Diaz, 32; Alex del Mundo, 22; at Dean Patrick Marquez, 30, pawang mga taga-Caloocan City.

Nakuha sa kanila ang hinihinalang droga na nagkakahalaga ng P81,000.

Ayon sa pulisya, ginamit ng apat ang ambulansya ng Brgy. 166, Caybiga, Caloocan City para makalusot sa mga checkpoint at makarating sa Bambang st., Sta, Cruz, Maynila, kung saan ikinasa ang buy bust.

Kinumpiska ng pulisya ang ambulansya, isang Mitsubishi FB van (C277).

Hinihinala na ginagamit talaga ng mga suspek ang ambulansya sa pagde-deliver ng droga mga suspek. –Radyo Inquirer

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending