Lockdown hugot ni Kathryn: Grabe ang appreciation ko ngayon sa life | Bandera

Lockdown hugot ni Kathryn: Grabe ang appreciation ko ngayon sa life

Ervin Santiago - April 30, 2020 - 04:42 PM

KATHRYN BERNARDO

“MAS na-appreciate ko ngayon yung maliliit na bagay!”

Ito ang isa sa mga realization ni Kathryn Bernardo makalipas ang mahigit isang buwang lockdown sa bansa dahil sa health crisis.

Maraming natutunan ang Kapamilya young actress sa pananatili sa kanilang bahay nang ilang linggo kasama ang kanyang pamilya. 

“Una, na-realize mo kung gaano ka-precious ang buhay. Parang dati alam mo naman pero ngayon extra thankful ka.

“Kasi healthy ka, okay ka at kailangan talaga gawin mo lahat na, protect yourself para maprotektahan mo ang ibang tao,” pahayag ni Kathryn nang mag-guest siya sa Magandang Buhay kamakailan.

Dagdag pa ng girlfriend ni Daniel Padilla, “Tapos na-appreciate ko ‘yung maliliit na bagay. Grabe lang ‘yung pagiging grateful ko ngayon sa lahat. 

“Kasi hindi natin in-expect na ganito siya katagal, na ‘yung buong mundo ay tumigil because of this virus. So grabe ‘yung appreciation ko ngayon sa life,” pahayag pa ng tinaguriang Queen of Hearts.

Samantala, super proud naman si Kathryn sa kanyang kapatid na nagtatrabaho ngayon bilang nurse sa ibang bansa. 

“’Yung sister ko mismo, nagtatrabaho siya sa UK. Nagkukuwento siya kung paano ang sitwasyon niya doon, kung ano ang sitwasyon nila and hindi siya joke. 

“So mas naging proud ako lalo sa ate ko during this situation,” pahayag ng dalaga.

Regular naman ang komunikasyon nila pati na ang iba pa nilang kapamilya na nasa ibang bansa rin ngayon.

“Nag-uusap kami palagi buti ngayon mayroon ng apps to call them anytime, nag-a-update-an kami.

“Hindi naman nagkukulang sina ate sa communication kasi rule din sa bahay. Kasi ibang bansa rin si kuya, tapos iba ‘yung ate ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tapos ‘yung papa ko sa Cabanatuan. So magkakahiwalay kami lahat. So nag-a-update-an,” kuwento pa ni Kath.  

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending