Alden ayaw mag-TikTok; balak pumasok sa Air Force
GUSTUNG-GUSTO ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang maging miyembro ng Philippine Air Force.
Ito ang inamin ng Kapuso TV host-actor sa Instagram Live Q&A session kung saan binigyan niya ng chance na makapagtanong ang kanyang fans and social media followers.
Ito ang unang pagkakataon na humarap si Alden sa kanyang mga supporters sa pamamagitan ng IG Live kaya naman tuwang-tuwa ang fans na muli siyang makita up close matapos ma-lockdown ang bansa dulot ng killer virus.
Isang netizen ang nagtanong tungkol sa natanggap niyang invitation mula sa Philippine Air Force kung interesado siyang mag-training at maging miyembro ng hukbong panghimpapawid ng bansa.
“Actually, ma’am, there was an invitation sent for me. And I’m really considering to be part of it.
“I’m just clearing things out with the management and siyempre it’s a way of being part of the people who are really concerned sa Pilipinas and I want to be part of it.
“Inaayos na po ‘yan, don’t worry,” ang sagot ng Asia’s Multimedia Star na kitang-kita ang excitement sa kanyang mukha.
May nagtanong din kay Alden kung balak din ba niyang pasukin ang pagba-vlog at ang patok na patok ngayong TikTok.
Tugon ni Alden, “Gusto ko sana talaga mag-vlog. Number one, hindi talaga ako marunong mag-edit
“And number two, tamad ako mag-video, tamad ako mag-post. Siguro konting push pa, gagawin ko na,” paliwanag pa ng binata.
At tungkol naman sa social media app na TikTok, mukhang nagdadalawang-isip pa si Alden na mag-join.
“TikTok? Ibibigay ko na lang sa tatay ko ‘yun, hindi ko talaga kaya mag-TikTok. Siguro mag-TikTok ako kung parang inspirational, madami kasi ‘eh.
“Aside from being fun and creative sa TikTok, ang dami kong napapanood na inspirational TikTok and that’s really on top of mind,” pahayag pa ni Alden.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.