OWWA pinagtanggol si Mocha; inutusan lang na bisitahin mga OFWs
IPINAGTANGGOL ni Hans Leo Cacdac, ang administrador ng Overseas Workers Welfare Administration si Mocha Uson sa pagtitipon sa mga Overseas Filipino Workers na naka-quarantine sa isang resort sa Lian, Batangas.
Sa interview sa DZBB, sinabi ni Cacdac na siya ang nagpapunta kay Mocha upang bisitahin ang 332 OFW na naka-quarantine doon matapos makatanggap ng report na may isang OFW ang umano’y nagtangkang lumangoy sa beach ng resort, na siyang ipinagbabawal sa ilalim ng quarantine protocols ng Inter-Agency Task Force.
“So I asked Deputy Administrator Mocha to go there. I said: Check on them and remind them. So when she arrived there, she told them to observe the 14-day quarantine.” ani Cacdac.
Dagdag ni Cacdac, importante daw ang role ni Mocha dahil siya raw ang gumagawa ng community outreach work sa mga quarantine facility.
“She’s a deputy administrator. I need her for the community outreach. And, for instance, she can bring food to stranded seafarers. So things like that. We cannot dismiss the kind of service that she gives.” ani Cacdac.
Na-bash si Mocha dahil sa ginawa nitong pakikipagtipon sa mga OFWs na siyang ipinagbabawal ayon sa inilabas na protocols ng IATF. Ilang netizens ang sinasabing dapat kasuhan si Mocha dahil dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.