Dine in, sine, misa, mass gathering bawal pa rin sa GCQ-Roque | Bandera

Dine in, sine, misa, mass gathering bawal pa rin sa GCQ-Roque

Bella Cariaso - April 29, 2020 - 03:26 AM

 

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bagamat papayagan na ang pagbubukas ng mall sa mga lugar na isasailalim na sa general community quaratine (GCQ) simula Mayo 1, bawal pa rin ang dine-in sa mga restaurant, sine, misa, video games at mass gathering.

Idinagdag ni Roque na tanging ang retail, clothing, accessories at non-leisure ang tuloy na ang operasyon sa mga lugar na may GCQ.

“So, ang mangyayari po, ang mall, unang-una, ang mga restaurants take out pa rin, so wala pa ring kainan, wala pa rin pong sine, tapos iinitan po ang aircon ng hindi tumambay ang mga tao at mayroon pong compulsory temperature check  at saka paggamit ng alcohol habang nasa mall tayo,” sabi ni Roque.

Idinagdag ni Roque na sarado pa rin ang buffet sa mga lugar na may GCQ.

“Iyong mga supermarket, iyong mga bangko, iyong hardware at saka iyong mga retail clothes stores ang magbubukas. Sarado pa rin po iyong mga gaming, iyong mga pinupuntahan ng mga kabataan para sa video games at mga computer games. At sarado nga po, wala pa rin tayong buffet siguro diyan sa mga areas na iyan dahil magiging dahilan po iyan para magkumpulan ang tao,”paliwanag ni Roque.

Ani Roque bawal rin ang mga mass gathering kagaya ng mga misa, kasal at mga party.

Ang alam ko po bawal pa rin ang mass gatherings,” ayon pa kay Roque.

Bawal pa rin ang pagbubukas ng klase sa mga magpapatupad na ng GCQ,” dagdag ni Roque.

Magsisimula na ring magbukas ang mga tanggapan ng gobyerno sa mga lugar nakataas na GCQ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So ang mga opisina ng gobyerno, kinakailangan mag-provide po kayo ng pamamaraan para magkaroon ng social distancing, siguro po ang pila ngayon parang pila sa supermarket, may mga upuan na malayo sa isa’t isa para po nga maiiwasan ang pagkalat ng COVID-19,” aniya.

Mananatili naman ang enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pang higk risk areas hanggang Mayo 15

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending